Marian Rivera, kakaiba ang role sa bagong drama series

ADVERTISING

Marian Rivera, kakaiba ang role sa bagong drama series

Marian-RiveraPAGKATAPOS NG ilang araw na bakasyon nina Dingdong at Marian sa Boracay, tumuloy sila sa Italy para sa honeymoon nila.

Bihira lang daw silang mag-post sa kanilang Instagram account, pero ‘yung huling post ni Marian ay nasa Rome na raw sila.

Ilang araw rin ang kanilang bakasyon na alam ko ‘yun ang regalo sa kanila ni Dra. Vicki Belo.

Pagbalik nila ay back to work na sila, dahil si Dingdong ay marami pang tatrabahuin sa kanyang pagiging Commissioner at Large ng National Youth Commission.

ADVERTISING

Alam ko, siya ang host sa Starstruck at sisimulan na rin niya ito.

Si Marian naman ay may gagawing drama series na malaki raw ito. Bongga yata ang project na ngayon pa lang daw niya ito gagampanan.

Excited daw si Marian sa project na ito dahil first time niyang gagampanan ang ganu’ng role. Naku! Saka ko na ikuwento at baka mabantilawan pa ‘no!

Ayoko naman pangunahan ang GMA 7. Ikikuwento naman ‘yan ni Marian sa atin lahat.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING