Marian Rivera, kahit lumobo sa kabubuntis, mapasaya lang si Dingdong Dantes

ADVERTISING

Marian Rivera, kahit lumobo sa kabubuntis, mapasaya lang si Dingdong Dantes

1 Marian-Rivera-Dingdong-DantesNAGING TRENDING agad ang proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa dance show ng huli na Marian.

Sabi nga ni Dingdong, ‘yun daw ang last dance nila ng GMA Primetime Queen bago raw ito maging Marian Gracia Dantes.

Nakakabingi ang tilian sa loob ng studio dahil iyun naman talaga ang inaabangan ng lahat.

At least this time, na-open na nila na balak na nilang magpakasal. Malamang na next year na ‘yan.

ADVERTISING

Sa totoo lang, matagal nang pinag-uusapan ‘yan at matagal nang gustung-gusto ni Dingdong na magpakasal.

Si Marian lang daw ang hinihintay na maging ready ito.

Tamang-tama lang ngayon na paghandaan na nila ang kasal, at sana nga soon na ‘no!

Sa totoo lang, si Marian naman talaga ang nababagay kay Dingdong. Mukhang magiging perfect wife talaga ‘yan para sa aktor dahil hindi naman mahilig maglalabas si Marian at pambahay talgaa siya.

Sabi nga ni Marian, nakahanda siyang maging Mrs. Dantes, magkaroon ng maraming anak at kahit lumobo pa raw siya sa pagbubuntis, basta mapasaya lang niya si Dingdong.

Kaya tamang-tama lang at maayos na nila ang kasal.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang buong kuwento nito, at kung sasabihin na ba ni Dingdong kung kailan na ang kasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING