Marian Rivera, irita pa rin kay Rhian Ramos?! – Ruben Marasigan

Marian Rivera, irita pa rin kay Rhian Ramos?! - Ruben Marasigan

Marian Rivera, irita pa rin kay Rhian Ramos?! - Ruben MarasiganParehong idini-deny nina Marian Rivera at Rhian Ramos na may iringan sila. Pero nadaragdagan naman ang mga insidenteng nagsisilbing basehan na hindi nga sila in good terms. At ang lahat ay dahil kay Dingdong Dantes nga raw na nang nakapareha ni Rhian sa Stairway To Heaven ay lagi na umanong nanggagalaiti sa selos si Marian.

Nagtapos na ang nasabing serye kung saan may pahabol na umaatikabong passionate kissing scenes sina Dingdong at Rhian, pero hindi pa rin natutuldukan ang sinasabing pagkulo raw ng dugo nitong si Marian against Rhian.

Kamakailan nga, sa isang charity event para sa mga paslit kung saan nakibahagi si Marian, may tinarayan daw umano ang dalaga na isang nag-i-interview sa kanya. Tinanong daw kasi nito ang aktres kung ano ang puwede niyang maging Christmas gift para kay Rhian.

Biglang-bigla umano ang pagka-irita ni Marian sabay bulyaw diumano ng “Talagang itinatanong mo ‘yan?” Na ikina-shock umano ng taong sa kanya ay nag-i-interview kaya natameme at hindi na nakapagsalita.

Nanggigigil daw sa galit na tinalikuran na lang umano ito ni Marian. At kahit nakalayo na raw ang aktres, hindi pa rin umano agad humupa ang init ng ulo nito. As in para raw sinapian ng kung anumang masamang elemento ang dalaga at the height of her anger na para umanong gusto na niyang manapak ng taong kinagagalitan.

‘Yong iba pang naroon din daw para mag-interview sa kanya, naging safe na lang sa mga tanong sa kanya. Wala na raw naglakas-loob pang magtanong ng tungkol sa mga isyu at intriga on her lalo na tungkol kay Rhian na para nga raw ni ayaw niyang marinig man lang ang pangalan. ‘Yon na!

Hindi na bago ang mga kuwento tungkol sa diumano’y pagtataray at kagaspangan ng pag-uugali ni Marian. Noon sa taping ng Dyesebel sa Subic, napabalita na ring may nakaaway siyang male fan. Nagkaroon din ng isyu a couple of weeks ago na isang batang gustong magpa-picture daw sa kanya ang diumano’y sinungitan at tinabig pa raw ng aktres. At meron pa raw isang fan na tinarayan din umano niya dahil nagbibigay ng babasahing may cover o photos nina Dingdong at Rhian.

Bukod dito, usap-usapan din lately ang diumano’y pagkikita nina Marian at Rhian nang nagkasabay silang mag-promote ng Darna at Stairway sa Sis kung saan sinadya umanong banggain ng aktres itong si Rhian.

Although mariin nang nilinaw ni Rhian na hindi raw sila nagkita, may mga tao namang nagkukuwentong totoo raw ito dahil nasaksihan nila.

Si Alessandra de Rossi naman, sinasabing nakikisawsaw rin sa isyung iringan ng dalawa. May dayalog daw kasi ito minsang nagkita sila ni Marian na, “Sabihan mo si Dong, mag-ingat-ingat sa babaeng ‘yan!” Na ang tinutukoy nga raw ni Alessandra ay si Rhian.

Sa mga panahon daw ng pagtataray nitong si Marian, madalas pa umanong ipinagmamalaki ng aktres na Caviteña siya.  At ang mga Caviteña raw na gaya niya, palaban umano at hindi pasisindak maski kanino.

May gano’n pa talaga?

Gusto kaya ni Marian na maging successor ni Maricel Soriano sa pagiging Taray Queen. O, mas gusto niyang maging Ultimate Taray Queen sa kasaysayan ng Philippine Showbiz?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan