Marian Rivera, invited sa kasal ang nakaalitang ex-manager

ADVERTISING

Marian Rivera, invited sa kasal ang nakaalitang ex-manager

1 Marian-RiveraMAY PINAGSAMAHAN naman kasi kaya hindi basta-basta naitatapon na lang sa wala kung ano man ang nasimulan na nagtapos nang hindi maganda. Pero si Marian Rivera, kahit mayroong hindi pinagkakaunawaan sa dating manager na si Popoy Caritativo, mahal pa rin ang dating manager.

Hindi man naging maganda ang hiwalayan nila na until now ay hindi pa rin malinaw ang kadahilanan, sa kasal ni Yan sa boyfriend na si Dingdong Dantes, imbitado si Popoy. Sabi nga ni Yan sa media na iimbitahan niya ang dating manager at mahal niya si Popoy. In short, walang masamang tinapay sa dalaga na malapit nang ikasal come December 30 sa Immaculate Concepcion Church, kung saan sa simbahan na ‘yun ay doon bininyagan ang magiging mister niya.

Ang simbahan ay sa New York Street sa Cubao na malapit sa kanto ng E. Rodriguez, kung saan doon malapit ang dating bahay nina Aga Muhlach, Mayor Herbert Bautista at maging ang Pamilya Martinez (William and Albert) noon.

Speaking of Yan, reading-ready na siya sa sinasabing ‘The Royal Wedding’ nila ng katipan at handa na siya na magka-baby. “Gusto ko na talaga, lalo na siya (Dingdong).”

ADVERTISING

At ang komento ni Dingdong sa sinasabng P4-5 million na engagement Harry Winston ring na bigay niya sa katipan nang mag-propose siya publicly sa show ng GF na Marian sa Kapuso Network last week: “Mas mahalaga ang intensyon ko na makasal kami,” which proves kung gaano katindi ang pamamahal ng binata sa dalaga.

Tulad sa feeling ng mga babae na malapit nang pakasal sa mga lalaking mahal na mahal nila sa buhay, ang feeling ni Yan ay walang iba sa nararamdaman ng mga future bride to be. “Lutang, masaya, kinilig. Masarap ang pakiramdam.”

Sa katunayan, handa na si Marian na isakripisyo ang sexy niyang pangangatawan (‘di nga ba’t siya ang FHM sexiest for the past 2-3 years?) kung tumaba man o lumobo siya sa pagbubuntis in the near futute dahil pareho nilang gusto ni Dingdong na makapagsimula na ng pamilya hangga’t maaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING