Marian Rivera, ini-enjoy ang natitirang araw ng pagiging single

ADVERTISING

Marian Rivera, ini-enjoy ang natitirang araw ng pagiging single

Marian-RiveraBONGGA NAMAN talaga itong si Marian Rivera, huh! May bridal shower na naman siya, at sa Singapore naman ngayon.

Kasama niya ang pamilya niya sa Triple A ni Mr. Tony Tuviera at nag-enjoy naman ito sa Night Safari at paglilibot sa Universal Studio.

Mukhang ini-enjoy nang husto ni Marian ang mahigit isang buwan ng pagiging single. Siyempre, iba na ang takbo ng buhay niya ‘pag Mrs. Dingdong Dantes na siya.

Pagkatapos ng bridal shower niya sa Singapore, meron pa siyang isa pa raw na ang bestfriend niya at magiging ninang na rin na si Celia Rodriguez.

ADVERTISING

Marami pa silang mga katrabaho at mga kaibigang hindi naimbitahan sa mga nakaraang bridal shower, kaya kasali sila ngayon dito sa inu-organize ni Manay Celia.

Palagay ko, hindi pa tapos ‘yan. Meron pang kasunod na bridal shower dahil maraming mga kaibigan nitong gustong magpa-party para sa kanya.

Ito ang inaabangang kasalan ng taon at mukhang magkakaintriga pa dahil ang isa sa inaabangan doon ay ang pagtatagpo nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Magkasama sila sa entourage kaya magkikita sila tiyak sa simbahan. Tingnan na lang natin kung magkakabati sila. Kaabang-abang ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING