Marian Rivera, inayawan na ng isang endorsement?

ADVERTISING

Marian Rivera, inayawan na ng isang endorsement?

Marian-RiveraHOW TRUE na hindi na ire-renew si Marian Rivera ng isa niyang endorsement dahil naimbiiyerna ang mga ito sa kanya?

Pinahirapan daw kasi ng kampo ni Marian ang namamahala sa promotion ng kanyang endorsement, ang daming linggo ang lumipas bago ito nakasagot kung kalian available si Marian para sa promo tour nito.

Ang ikinagalit pa nga raw ng may-ari ng produktong ini-endorse ng dyowa ni Dingdong Dantes ay namili pa raw si Marian ng lugar na kanyang pupuntahan. Siya raw ang nasunod kaya sa balwarte niyang Cavite raw nag-promote ang aktres.

At dahil pinahirapan sila sa pagkuha ng schedule ng promo ni Marian, hindi na raw kukuning endorser again ang dyowa ni Dingdong. Isang sikat na male star na lang daw ang kukuning next endorser ng produktong ini-endorse ni Marian.

ADVERTISING

Ang feeling naman namin ay wala naman sigurong alam si Marian sa scheduling. Siyempre, meron siyang manager na siyang namamahala ng kanyang activities.

Ano kaya ang magandang paliwanag dito ng kampo ni Marian? Any comment, Rams David?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING