Marian Rivera, inaaway na ang sariling manager?! – Joey Sarmiento

Marian Rivera, inaaway na ang sariling manager?! - Joey SarmientoMarian Rivera, inaaway na ang sariling manager?! - Joey SarmientoBLIND ITEM: HINDI lang pala mga networks ang may war kundi pati na rin ang dalawang aktor na produkto rin ng dalawang higanteng istasyon na ito.

Masama ang loob ni actor A kay actor B dahil sa ipinagkakalat nitong tsismis na isa siyang pasaway na manginginom ng alak. Lagi raw siyang nagwawala at naglulupasay kapag lasing.

Ang tsika, nagpadala raw ng tatlong text messages si actor A kay actor B inquiring why he is doing the paninira pero deadma lang daw ang tisoy na aktor.

Nagduda tuloy si actor A na talagang may malisya ang tsismis na ikinakalat ni actor B na para bang naghihiganti ito sa nasirang love affair noon involving her close kin at ng aktor na kanyang sinisiraan.

Kung kami ang tatanungin, dapat deadmahin na lang siguro ni actor A ang ginagawa ni actor B dahil sigurado, lilipas din ang isyung ito. At kung totoo man ang mga tsismis na ipinagkakalat ni actor B, sana lang, e,  magbago na siya at tigilan na ang pagiging manginginom ng alak kung ayaw niyang maipako sa krus.

Si actor B? Ang masasabi lang namin, rich siya… getz?!

BLIND ITEM: ISANG network executive at isang sexy comedienne ang involved sa istorya ng TV host na ito. Basahin natin.

“Trabaho na kasi ng sexy comedian noon pa ang magbenta ng aliw kaya nang ipinakilala siya sa isang executive ng hindi masyadong kilalang istasyon ng isang bading, ang akala niya, e, kliyente ‘yon.

“’Yon pala, crush lang siya ng network executive at nahingan lang niya ng favor ang bading na ipakilala siya sa komedyana.

“Nagyayang mag-coffee ang executive pero sabi ng komedyana, sa condo na lang daw sila mag-kape kaya pinagbigyan naman siya ng kanyang kausap.

“Op kors, jackpot nga naman ‘yon dahil matagal na niyang crush ang komedyana.

“Ang akala talaga ni Mr. Executive, e, magko-coffee lang sila kaya nabigla siya ng nagtanggal ng pang-itaas ang kirlet sabay sabing, ‘…itotodo na ba natin?’

“LalakI si network executive kaya pinatulan niya si komedyana at nangyari na ang dapat mangyari.

“Ang kaso, nang tinanong niya ang executive kung may binanggit na presyo sa kanya ang bading na nagpakilala sa kanila, e, itinanggi ito ng boylet. Meaning, walang perang pinag-usapan.

“Mukhang kuripot din naman ang executive kaya hindi nakahirit si komedyana kahit na piso sa kanyang naka-partner. Palpak, hek, hek, hek!”pambubuko pa ng kausap naming TV host.

Clue? Hindi si DJ Mo ang TV host na ito, getz?!

TRUE KAYA ANG nakarating sa aming balita na sumasakit na raw ang ulo ni Popoy Caritativo sa kanyang alagang si Marian Rivera? Why?

Dahil kahit na anong sermon ang kanyang gawin sa kanyang alaga tungkol sa kanyang pagiging mataray at palengkera, e, ayaw raw talaga nitong magbago.

Sabi raw ni Popoy, kailangan daw niyang maging ma-PR sa mga tao sa industriya at sa mga fans para sa kanyang career, pero mukhang walang narirnig si Marian kapag sinesermunan siya ng kanyang manager.

Muntik na raw mag-away ang dalawa last week dahil sa isyung ito dahil palaban din daw ang Kapuso artist kapag nagri-reason out siya sa kanyang manager.

Hmmm… dapat siguro, bigyan ng leksiyon si Marian kapag hindi talaga siya magbabago.

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com
Sour-MINT
by Joey Sarmiento