Marian Rivera, iiwan na rin ang Siyete?!

ADVERTISING

Marian Rivera, iiwan na rin ang Siyete?!

Marian Rivera, iiwan na rin ang Siyete?!MAAYOS ANG pagpaalam ni Ogie Alcasid sa GMA-7 kaya magaang tinanggap nina Atty. Felipe Gozon ang pag-alis nito at paglipat sa TV5.

Natuwa pa raw sina Atty. Gozon na may respeto si Ogie na nu’ng nagpaalam ay hindi pa siya pumirma sa TV5.

Kaya maganda ang usapan nila at nangako pa nga ang GMA-7 na tutulong sila sa promo ng nalalapit na concert ni Ogie na I Write The Songs na gaganapin sa SM-MOA Arena sa August 16.

Nu’ng kamakalawa lang naglabas ng statement ang GMA-7 na binigyan nila ng basbas ang pag-alis ni Ogie.

ADVERTISING

Wala pa ring pormal announcement ang TV5 ng pagiging Kapatid ni Ogie at tiyak na magkakaroon ng bonggang launching at announcement kung ano ang una niyang gagawin sa TV5.

Ang latest naman ngayon na susunod daw sa TV5 ay si Michael V. Wala raw kasi siyang exclusive contract sa GMA-7 kaya puwede siyang gumawa ng programa du’n.

Ang isa pang pinag-uusapang susunod na lilipat daw ay si Marian Rivera dahil nakita raw itong nakipag-meeting kay Mr. Manny V. Pangilinan kasama si Wilma Galvante.

Sa August na kasi matatapos ang kontrata niya sa GMA-7 at may magandang offer daw ang TV5 sa kanya.

Sabi naman ni Marian, “Tingnan natin kung ano ang mangyayari, kasi mahirap nang magsalita nang tapos, eh. Pero siyempre love ko ang GMA. Malapit na rin naman ang August, malalaman din nila ‘yan.”

Pero tingin ko naman hindi papayag ang GMA-7 na pakawalan si Marian. Inaayos na nga raw ang bagong drama series na gagawin nito.

Tingnan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING