Marian Rivera, hot no more! Amaya is losing in ratings game!

ADVERTISING

Marian Rivera, hot no more! Amaya is losing in ratings game!

Marian Rivera, hot no more! Amaya is losing in ratings game! BLIND ITEM: AWARE kaya ang isang hunk actor na pinagtsitsismisan siya sa kanyang network dahil sa kakaiba niyang trip?

ADVERTISING

Ang actor pala na ito ay mahilig maglagay ng labakara sa kanyang harapan. Talagang tumatagal siya sa comfort room each time may taping siya dahil na rin sa inaayos niya nang mabuti ang paglalagay ng labakara.

Marami ang nakakapansin sa taping ng actor na ang tagal-tagal niyang magbihis at gumamit ng comfort room. Hindi lang staff ang nakapansin sa actor kundi maging ang isang child star.

Ang nakakatawa, ang child star pa ang nakapansin na wala raw bukol ang actor. Siyempre, nabigla ang hunk actor na biglang nawala. Ayun, sumegue muna siya sa comfort room para ayusin ang kanyang kanotahan.

ADVERTISING

Bakit kaya ganito ang trip ng actor? Saan niya nakuha ang kakaiba niyang trip na ito?

In fairness, yummy pa rin naman ang actor na ito kaya mahiwaga ang kanyang ginagawa para lamang may makitang bukol sa kanyang katawan. Masyado ba siyang insecure sa size ng ‘junior’ niya o he just wants people to see that he’s well-endowed?

Whatdayathink?

 

WORKING FOR THE first time with Robin Padilla in Guns and Roses, Bea was initially hesistant to get into a conversation with the action star.

But “when he made me feel na okay na maging totoo ka, that’s when I felt na comfor-table na, na nandoon siya. That’s when I felt na okay na makipagbiruan.”

Hindi pala aware si Bea na three years siyang hinintay ni Robin para lamang makasama sa isang proyekto sa TV.

“Ewan ko. Hindi naman sa akin nakarating ‘yung balita. Hello, kung alam ko lang ‘di sana… parang matagal ko na rin namang hinihintay na makatrabaho siya.

“I feel ‘yung lahat ng kaedad ko na gusto rin nila na makatrabaho siya, lahat ng henerasyon namin gusto ring makatrabaho siya,” esplika ng aktres.

Inamin ni Bea na posibleng mauwi sa totoong relasyon ang friendship nila ni Zanjoe Marudo.

“Oo, posible… siguro naman… feeling ko naman. Hindi naman ako aasa nang gano’n kung walang future. Magiging masaya ako kung mauuwi roon. Mas magiging masaya ako kasi I know he’s a good person and alam ko na magiging responsableng boyfriend siya. Alam ko na hindi niya ako sasaktan. As of the moment iyon ang nakikita ko, ha?” sabi pa ng bida ng Guns and Roses.

 

NAG-UMPISA NA ANG bagong show ni Ma-rian Rivera sa Siyete, pero hindi impressive ang naitala nitong pilot episode rating.

Ayon kasi sa overnight ratings ng Kantar Media-TNS among National households, nakakuha lamang ng 19.1% ratings ang pilot episode ng show ni Marianita. Sa report naman ng AGB Nielsen Mega Manila household ratings, nakapagtala ito ng 26.2%  sa pilot episode nito at tinalo ang Minsan Lang Kita Iibigin na nakakuha naman ng 23.1%.

At sa isa pang report ng AGB Nielsen Mega Manila People Ratings of new shows, nakakuha ang show ni Marian ng 14.3% laban sa 11.6% ng Minsan Lang Kita Iibigin.

For a pilot episode, lubhang mababa ang 14% at 19 % na nakuha ng show ni Marian na tinagurian pa man ding Primetime Queen ng Siyete. The 26.2 % is also not impressive lalo kung babalikan ang track record ni Marian.

Ang pilot episode kasi ng Dyesebel ay nakakuha ng 44.9%, the highest rating na nakuha ni Marian. Ang pilot naman ng Darna ay nagtala ng 44.1%; ang Marimar ay 36.6% ang pilot episode at 32.9% naman ang nakuha ng premiere episode ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

So, what does this mean? Palaos na si Ma-rian? Well, it can be argued na sa pilot episode kasi ng bagong show ni Marian ay wala ang aktres kaya siguro nagkaganoon.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING