Marian Rivera, hinuhulaang girl ang ipinagbubuntis

Marian Rivera, hinuhulaang girl ang ipinagbubuntis

Marian-Rivera MAMAYANG GABI na magsisimula ang The Rich Man’s Daughter na si Rhian Ramos na ang bida.
Gusto ko talagang mag-hit ito dahil type na type ko si Rhian.
Siyempre, love ko rin ang inaanak kong si Marian Rivera na bida dapat sa bagong drama series na ito ng GMA Telebabad.
Pero nang nalaman kong si Rhian ang ipinalit, type na type ko dahil napakabait ng batang ito. Marunong tumanaw ng utang na loob.
Pero kuwento ng mga bading, sobrang ganda raw ngayon ni Marian na umapir sa 25th anniversary ng Belo Medical Group na ginanap sa Trinoma nu’ng kamakalawa ng hapon.
May production number ang ibang endorsers ng Belo na sina Daniel Padilla, Anne Curtis, at pati si Vice Ganda, hindi rin nagpahuli ang Marian.
Bongga ang mga back-up dancers, at kahit buntis, sumasayaw pa rin siya kahit papa’no.
Sabi nga niya kay Dra. Vicki Belo, “Ayan ninang. Dahil mahal kita, kahit buntis ako, sumayaw ako!”
Pero ang kapansin-pansin kay Marian, sobrang ganda niya sa event na ‘yun na pati ang host na si Robi Domingo ay natulala.
Nakalimutan nga niyang ibigay ang bulaklak kay Marian dahil na-starstruck daw siya.
Kaya hinuhulaan na ng mga bading doon na baka girl daw ang ipinagbubuntis niya.
Pagkatapos lang niyang mag-perform at bumati, umalis na si Marian dahil sa sobrang dami ng tao, parang sumama na ang pakiramdam niya.
Hindi siya tuloy na-interview ng mga reporters du’n at ng Satrtalk.
Si Dra. Belo ang napasalang sa interview dahil marami ang curious sa pagbabati nila ni Katrina Halili.
Anyway, congratulations sa Belo Medical Group at siyempre kay Dra. Belo, lalo na kay Cristalle Henares na talagang siya na halos ang nagpapatakbo ng Belomed.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis