Marian Rivera, hinding hindi na raw panonoorin ng matadang tinalakan

ADVERTISING

Marian Rivera, hinding hindi na raw panonoorin ng matadang tinalakan

Marian-RiveraNAKAUSAP NAMIN ang diumano’y matandang natarayan ni Marian Rivera sa taping ng Celebrity Bluff na si Raffy na 51 years old nang lumapit ito sa amin at nagpakilala na siya raw ang senior citizen na natalakan ng Primetime Queen ng GMA na aming nasulat dito sa Pinoy Parazzi ilang araw na ang nakalipas.
Pagpapatotoo ni Raffy, “Ako po si Raffy, ‘yung sinulat n’yong matanda na tinarayan ni Marian sa taping ng kanyang dance show nu’ng minsang pumunta ako du’n at nanood.
“Hindi naman ako pupunta du’n kung hindi nagkaroon ng reunion ang Sexbomb. Idol ko kasi sila kaya pumunta ako roon at minsan lang kasi sila makukumpleto.”
Dagdag pa nito, “Natural lang na tumili ako nang malakas sa Sexbomb dahil number 1 fan nila ako noon pa man na nagsisimula sila. Pero hindi ko inaakala na mamasamain ni Marian ang malakas kong pagtili sa mga idolo ko.

“Ilang beses niya rin akong nilapitan. Una sabi niya, ‘Kilala kita lagi kang nasa mga shows ng GMA 7’ na sinagot ko naman ng ‘oo’ at bigla siyang umalis.
“Pangalawang lapit niya, nagsalita siya sa akin ng ‘Hindi mo naman ako tinitilian baka gusto mo, ipakuyog kita sa mga fans ko’. Na ikinatakot ko na, kasi marami ang fans niya na naroroon kaya hindi na lang ako tumili at tumahimik na lang hanggang sa matapos ang show. Kasi baka totohanin nga niya na ipakuyog ako sa kanyang fans sa tanda kong ito.
“Pero may fans ito na lumapit sa akin at nagsabing mabait naman daw si Marian, basta tilian ko nang malakas. Pero hindi ko magawa dahil maka-Angel Locsin ako, kaya mas pinili ko na lang na manahimik kaysa tilian ko siya. At na hurt na rin ako dahil sa marami ang nakakita at nakarinig nang talakan niya ako.”
Nangako si Raffy na hinding-hindi na muling manonood pa ng Marian, para hindi na raw maulit pa ang pagtataray na ginawa sa kanya ni Marian. Mas gugustuhin na lang daw nitong manood ng ibang shows ng GMA dahil certified supporter daw siya ng mga shows ng Kapuso Network.

Hiro Peralta, gagamitin ang boses sa isang sikat na animated series

TULUY-TULOY PA rin daw ang pagsasapelikula ng Cain at Abel minus Aljur Abrenica na siyang originally na makakasama ni Alden Richards at balitang pinalitan na ito ni Mark Herras. At isa pa sa madadagdag na cast ng Cain at Abel ang Kapuso Tweens na si Hiro Magalona Peralta.
Masayang ibinalita ni Hiro na makakasama raw ito sa Cain at Abel at ito raw ang kanyang next film project after ng matagumpay na pelikukang Kamkam ni Direk Joel Lamangan.
Tsika pa nito na bukod sa Kamkam, nagda-dubbed siya ng isang animated series na ipapalabas sa GMA ngayong Oktubre, kung saan ang boses niya ang gagamitin para sa bidang lalaki rito. Bukod dito, regular pa rin daw na napapanood si Hiro sa Saturday midnight show na Walang Tulugan With The Master Showman bilang isa sa co-host ni Kuya Germs.
At habang naghihintay pa siya ng susunod niyang teleserye sa Kapuso after My BFF, busy rin daw ito sa guestings sa iba’t ibang shows ng GMA 7 like Magpakailanman, Love Hotline, Celebrity Bluff, Mars, atbp.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING