Marian Rivera, hindi papayag na mag-showbiz si Zia!

ADVERTISING

Marian Rivera, hindi papayag na mag-showbiz si Zia!

Marian Rivera, hindi papayag na mag-showbiz si Zia!
Marian Rivera

VERY FRIENDLY ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia. Kaway daw ito nang kaway kahit kanino noong nasa Paris sila para dumali sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Kuwento ni Marian nang makausap namin sa presscon ng Super Ma’am, bago niyang TV show sa GMA-7 primetime, “Kay Dong niya namana yon (pagiging friendly), pero yung pagiging sweet sa akin yon.

“Hayaan n’yo na, para meron namang karakter na nakuha si Zia (sa tatay niya) kasi lahat na lang daw sa akin. Bigay n’yo na sa asawa ko yon,” biro pa niya.

Dagdag pa niya, “Ewan ko ba, nasa dugo yata namin, kasi nanay at tatay niya parehong (artista). Sobrang friendly talaga niya.

ADVERTISING

“Yung wave-wave, siya lang yon. Wave siya talaga kahit hindi niya kilala. Mahilig mag-ganun, friendly talaga.”

Papayagan ba niyang pumasok sa showbiz ang anak?

“Ay, ayoko siyang mag-showbiz. Ayoko siyang mag-showbiz,” umiiling niyang sagot.

Samantala, parehong busy ang mag-asawa sa kani-kanyang primetime program sa GMA-7. May Alyas Robinhood 2 si Dingdong at may Super Ma’am naman si Marian, pero sinisigurado raw nilang may panahon sila sa anak.

 “Si Dong talaga yung super busy talaga bilang may movie na siya at may soap. So, ako yung nag-a-adjust talaga. Eh, ang taping ko naman is MWF lang, so every other day andun naman ako para kay Zia,” pahayag pa niya.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING