Marian Rivera at Heart Evangelista, pinagsasabong sa isyu ng engagement

ADVERTISING

Marian Rivera at Heart Evangelista, pinagsasabong sa isyu ng engagement

Heart-Evangelista-Marian-RiveraNAKU! HINDI na talaga tatantanan ang intriga kina Marian Rivera at Heart Evangelista, dahil pagkatapos ng proposal ni Dingdong Dantes kay Marian, si Sen. Chiz Escudero naman ngayon ang nag-propose kay Heart.

Tuloy naikukumpara sila at hindi maiwasang intrigahin na naman.

Ang sabi nila, sunud-sunuran naman daw si Heart kay Marian, dahil sa mainit na pinag-usapan ang proposal ng GMA Primetime King and Queen, gumaya naman daw sina Heart.

In fairness naman kay Heart, malay ba n’yang magpu-propose si Sen, Chiz?

ADVERTISING

Ang kuwento sa amin, matagal na raw na inayos ni Sen. Chiz itong proposal.

May nagkuwento pa ngang nag-propose na raw si Sen. Chiz kay Heart nu’ng nagbakasyon sila sa Europe, pero itinago muna nila.

Ito lang ‘yung sa Sorsogon ang in-open nila dahil kasama  na Riyan ang mga taong close sa kanila, at higit sa lahat, nandun ang pamilya ni Sen. Chiz.

Ang magandang balita pa riyan, okay na rin si Heart sa mga magulang niya lalo na sa Mommy niya.

Doon daw sa proposal, nagbigay ng message ang Mommy at Daddy ni Heart kaya siyempre iyak nang iyak ang Kapuso actress.

Nakabalik na ng Maynila sina Heart pero hindi muna sila nagpapa-interview tungkol dito.

Mabuting abangan na lang daw sa Startalk ang exclusive interview nila, at malamang doon na sasabihin ng bagong engaged kung kailan na ang kasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING