Marian Rivera, handa nang pabuntis kay Dingdong Dantes

ADVERTISING

Marian Rivera, handa nang pabuntis kay Dingdong Dantes

Marian-RiveraHINDI IPINAGKAILA ni Marian Rivera na nainggit pala si Dingdong Dantes kina Richard Gutierrez at Sarah Labhati dahil may Baby Zion na ang dalawa.

ADVERTISING

Matagal na raw palang gusto ni Dong na magkaroon din ng anak pero hindi pa raw siya (Marian) handang magka-baby hangga’t ‘di sila nakakasal ni Dong.

Probinsiyana raw kasi si Marian, pero kung sakali raw na mauna ang baby ay okey lang daw. Pero hangga’t maaari ay kasal daw muna bago anak.

Naku! Sana ay nagkamali at hindi magkatotoo ang naging hula kay Marian ng isang sikat na manghuhula. Ngayon kasi na handa nang magkaroon ng baby si Marian ay baka magkatotoo ang naging hula sa actress. Magkakaanak daw ng apat si Marian pero ang nakakagulat ay hindi si Dingdong ang ama.

ADVERTISING

Natatandaan naming naganap ang panghuhula kay Marian sa Imperial Palace ni Mother Lily Monteverde at bago naganap ang hula ay tigas ng tanggi ni Yan Yan dahil natatakot itong magpahula.

Ayaw kasi ng actress na baka negative ang maging hula sa kanya kaya super tanggi ito, pero nagawa ring mapapayag si Yan Yan. ‘Yung nga ang isa sa naging hula ay magkakanak siya nang hindi si Dong ang ama at take note, apat na anak ang isisilang ni Yan Yan.

‘Yung iba ay naging maganda naman dahil tatagal pa raw ang kasikatan niya at magtatagumpay sa larangan ng showbiz.

Well, sana nga ay mali ang naging hula kay Marian ng sikat na manghuhulang babae.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING