Marian Rivera, gustong munang i-enjoy ang anak bago ipagamit sa advertisers

1 Marian-RiveraNAKATUTUWA SI Marian Rivera. Habang naghihintay siya ng kanyang due date, ang mga fans niya at ang mga nagmamahal sa kanya ay all out ang support kay “Misis Buntis”. Sayang nga lang at hindi ko natapos ang istorya ni Jessica Soho sa weekend magazine show niya sa GMA Network habang nag-iinterbyuhan sila ni Yan dahil I need to leave for a commitment.

Napag-alaman ko na marami rin palang sinusunod na pamahiin si Yan sa kanyang pagbubuntis, tulad ng pamimili ng gamit ng bata habang hindi pa ito nailuluwal, lalo pa’t hindi pa nagaganap ang baby shower; ang paniniwala niya sa usog (na kapag nabati ang bata na wala namang kadahilanan ay nilalagnat or nag-iiba ang pakiramdam).

Sa katunayan, marami nang advertising agencies ang lumalapit kay Yan na gustong kunin ang bata para maging endorser, na tulad ng ina, left and right ang product endorsements bago pa man siya nagbuntis at nag-asawa.

“Siyempre gusto ko munang i-enjoy ang anak namin. Saka na namin pag-uusapan ni Dong ang mga ‘yan,” paliwanag niya.

Ang malaking kasiyahan ni Yan, ang ama niya na Spanish na naka-base sa Spain, excited na makita na ang apo. Malaking katuwaan para kay Yan na sa panganganak niya, apat na henerasyon ay mag-aabot-abot. Ang lola niya na edad pasado otsenta na; ang mommy niya, siya, at ang isisilang niyang sangol.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleEjay Falcon, atat na sa date nila ni Ellen Adarna sa Star Magic Ball
Next articleDingdong Dantes, may warning kay Marian Rivera

No posts to display