Marian Rivera, gustong mabuntis agad-agad

Marian Rivera, gustong mabuntis agad-agad

1 Marian-RiveraANG BONGGA talaga ng love ko na si Marian Rivera!

Magkasunod ang bridal shower niya, ha! Nu’ng nakaraang Biyernes pang-anim na binigay ni Dra. Vicki Belo sa kanya at kinabukasan ay ang Eat Bulaga naman ang nagbigay sa kanya.

Kaloka si Marian, ha! Siya na yata ang may pinakamaraming bridal shower. Sabi naman ng GMA Primetime Queen, hindi naman daw siya puwedeng tumanggi sa mga gustong magbigay ng bridal shower sa kanya.

Sabi nga niya, “Hindi naman ako nagdedesisyon kung ilan ang bridal shower na ibigay sa akin. Ang mga taong nakapaligid sa akin, at nagmamahal sa akin.

“Example, ang sa Eat Bulaga, sabi nila kailangan nasa Eat Bulaga daw ako kasi bigyan daw nila ako ng bridal shower. Paano mo tatanggihan ang mga bagay na bibinigay sa akin? Dapat na magpasalamat ako.”

Kaya pinakakaabangan talaga itong kasal nila ni Dingdong!

Hindi ko nga maisip kung ano ang set-up n’yan na sa SM-MOA Arena ang reception.

Nakakaloka, ha! Hindi ko pa nga napuntahan ‘yang Arena na ‘yan dahil hindi naman ako nanonood ng mga concert du’n.

Hay, naku! Bahala na!

Sabi pa ni Marian, nakipag-meeting na raw siya sa GMA 7 para mapag-usapan ang career plan niya sa 2016.

Siyempre malaki ang pagbabago niyan dahil Mrs. Dantes na siya!

Siya naman daw ang bahala kung gusto pa niyang ituloy ang dance show niyang Marian. Kaya lang, depende kung hindi mabuntis si Marian, ‘no!

Sabi kasi ni Marian, gusto raw niyang magka-baby agad!

Tinanong siya ng mga reporters kung kailan niya gustong mabuntis, “agad-agad!” ang mabilis niyang sagot.

Wala raw siyang pakialam kung ilan ang magiging anak nila ni Dingdong, dahil gusto raw talaga niyang marami siyang anak na inaalagaan.

Kaya housewife material talaga si Marian na bagay na bagay kay Dingdong.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis