Marian Rivera, gustong bumalik sa pag-aaral!

Marian Rivera, gustong bumalik sa pag-aaral!

Marian Rivera, gustong bumalik sa pag-aaral!NAGPAPUTOL NG buhok si Marian Rivera. New look ang dating ng dalaga na bumagay naman sa maliit nitong mukha. Ayon sa aktres, nagdesisyon siyang magpa-cut ng hair para sa bago niyang programa sa Siyete, kung saan sa ikatlong pagkakataon ay muli silang magkakasama ng kanyang real life boyfriend na si Dingdong Dantes.

Isang marka sa kanyang isipan ang programang Amaya na namaalam na sa ere, na labis na ipinagpapasalamat ng dalaga dahil natapos ito nang may pinakamataas na rating sa survey. Kaya ayon sa dalaga, mas pressured siya ngayon bilang si Czarina

sa My Beloved.

Sa kabilang banda, inamin ng dalaga na balak niya this year na mag-aral ng culinary. Noon pa raw talaga pangarap ng aktres na matuto sa pagluluto, dahil bata pa lang siya at hindi pa artista ay nakahiligan na niya ang mag-imbento ng kung anu-anong pagkain. Masasarap naman daw mag-luto si Marian. ‘Yun nga lang, wala siyang pormal na pag-aaral sa nasabing field kaya nais niyang mag-back to school.

Bukod sa nais daw ni Marian na magkaroon ng sariling restaurant someday, nais daw niyang ipagluto ng masasarap na pagkain ang kanyang magiging husband at magiging anak kung sakali. Sabi ni Marian, naipagluluto na raw niya ng pagkain si Dingdong noon pa. Kaya lang, mas excited daw siya na matutunan ‘yung mga special recipe na the best.

 

SI KC Concepcion na ang papalit sa programang dapat ay kay Sharon Cuneta sana. Sa ngayon ay sobrang excited daw ang Megastar para sa anak.

“Alam kong kayang-kayang gawin ni KC ‘yun dahil alam ko ang capacity ng aking anak,” pahayag ni Sharon sa amin kamakailan.
Ayon kay Sharon, mas masigla at mas masaya na raw ngayon ang kanyang dalaga since nang magkaroon ng problema sa relationship with Piolo Pascual.

“Hindi namin masyadong pinag-uusapan ang mga ganu’ng bagay ‘pag magkasama kami. Mas nag-e-enjoy kami sa kung anong meron kaming dalawa.”
Sa ngayon daw, nakapag-move on na ang dalaga at hindi na ito apektado sa kung ano ang mga naririnig, nababasa at napakikinggan.

“Kung papayag akong makasama si Piolo in one project kung sakali? Siguro huwag muna, kasi parang hindi pa dapat.” Sabi pa ni Sharon.

HALOS UMUSOK daw ang phone ni Lovi Poe since nang dumating mula sa Hong Kong ang boyfriend na si Ronald Singson.

“Actually, walang minuto na hindi nakatutok ang tenga niya sa phone. Hindi na nga ‘yan nakapagbabasa ng script since dumating si Ronald kaya pati work ay naapektuhan na rin,” sabi pa ng aming kausap.
Ayon sa aming tsikadorang spy, narinig daw niya ang sagot ni Lovi. “Parang dinig ko, this week magkikita sila. Parang si Lovi yata ang pupunta sa Vigan.”

Sabi pa ng mahadera naming kaibigan, si Lovi raw ang patay na patay kay Ronald. “Naku kung gusto n’yo, marami ka-yong malaman tungkol kay Ronald at Lovi. Magtanong na lang kayo kay Jomari Yllana dahil sila ang laging magkakasama!”
Sa kabilang banda, kung si Governor Chavit Singson ay balak muling mag-produce ng pelikula, si Ronald ay pagpo-produce naman ng concert ang gustong balikan.

“Wala akong tutol kung gustong magpa-kasal nina Lovi at Ronald, basta kung saan sila masaya, eh ‘di sige!” Sabi ni Gov. Singson sa amin noong huli namin itong makausap.
Sa kabuuan, kinumpirma ng aming source na balak na raw talagang pakasalan ni Ronald si Lovi. “Noong November pa lang sa Hong Kong, inalok na ni Ronald si Lovi, pero si Lovi ang umaayaw dahil kasama sa kontrata na kanyang pinirmahan na hindi pa siya puwedeng magpakasal unless tapos na ‘yung commitments nila ng kanyang ma-nager,” pagwawakas ng aming kausap.

 

More Luck
by Morly Alinio