Marian Rivera, gusto na ring magkaroong ng acting award!

ADVERTISING

Marian Rivera, gusto na ring magkaroong ng acting award!Marian Rivera, gusto na ring magkaroong ng acting award!LAST WEEK, bumigay raw ang katawang lupa ni Marian Rivera dahil sa sobrang pagod, kaya naman minabuti nitong magpahinga ng ilang araw para makabawi. Naka-neckbrace pa nga raw ito habang nagri-rest sa kanyang balaysung, pero nang nakausap namin ito sa party ng isang men’s magazine, tinanggal na niya ito.

“Oo nga eh, sa sobrang pagod, parang ‘di ko nakayanan at sumakit nang sobra ‘yung ulo ko. At least okay, okay na ako ngayon. Okay na raw sabi ng doktor kasi masyado akong malikot. Basta mahabang proseso ‘yung explanation, pero ang importante niyan okay na ako at back to work na ako.”

Dalawang pelikula ang ginagawa ngayon ni Marian at isang serye ang ongoing naman sa GMA. Pero ang kanyang jowang si Dingdong Dantes, parang nagpaparining na open to work with other stations dahil daw show contract lang naman ang meron nito sa GMA at hindi talaga network contract. Siya ba ay open sa ganitong set-up?

“Ay, good! Sabi ko nga, malay mo sa ibang araw ako naman ang gagawa ng pelikula sa kabilang istasyon, ‘di ba? Sa Star Cinema, kahit sa TV5.”

Nakatatlong best actor award na ang kanyang honey Dingdong, siya ba ay nangarap ding magka-award? Pag-amin niya, “Alam mo kahit sinong artista gusto talagang magka-award. Pero kung hindi mo pa talaga panahon at naniniwala ako, tamang project talaga dapat, sa tamang proyekto, sa tamang timing, para sa award.”

ADVERTISING

 

Marian Rivera, gusto na ring magkaroong ng acting award!NALOKA NAMAN kami sa balitang nakarating sa amin na may bago na naman daw nakaalitang production staff itong si Shalala. Nangyari daw ito last week sa studio ng Good Morning Club sa TV5 Novaliches, kung saan bago raw sumalang si Shalala sa kanyang showbiz segment, ‘minura’ diumano nito ang isang floor director ng show. Ang nakakaloka, babae ang nasabing FD ng show at hinamon pa raw niya ito ng suntukan? True ba ito?

Minabuti naming kunan nang pahayag si Shalala sa pamamagitan ng text at narito ang kanyang sagot: “Kapatid ‘wag na, kasi lalabas na nagmamaldita na naman ako, daming nakakita kung ano nangyari. Nag-sori na ako sa lahat kahit ako ang nabastos. Tagal na kaming ‘di nagkikibuan nu’n at dami ding asar du’n. Sori talaga.”

Kasunod na text ni Shalala: “Kapatid, daming nakakita sa pagtataray niya, bakit siya ang magdedemanda eh, wala namang sakitang nangyari at walang ganu’n. ‘Di niya ako feel noon pa, mainit dugo niya sa akin kaya ganu’n ang nangyari. ‘Di kami nag-uusap tuwing magkikita kami, deadma lang at ‘di ko rin alam name niya, sa mukha lang. Siya ang nauna, hindi ako.”

Balita naming, nag file na ng incident report ang nasabing staff at kung tama rin ang narinig namin, nagpaplano raw itong magsampa ng demanda. Nakakaloka!

 

SPOTTED NAMIN si Ruffa Gutierrez sa celebrity screening ng Seduction last Tuesday sa Gateway Cineplex. Gandara pa rin ang beauty niya kahit 38 na ang dating beauty queen. Ang problema nga lang,kahit mala-diyosa ang kagandahan nito, walang lovelife ang Kapatid star.

“No, wala. Actually wala pa talaga akong lovelife sa ngayon. I think, love kasi will happen when you least expected. And as of now, I haven’t really felt na tumitibok na ‘yung puso ko. So, I’m just happy being on my own.”

Maraming mga nagsasabing may mga menchu na mas bata sa kanya ang gusto siyang ligawan. Pabor kaya siya rito?

“Well ganu’n naman talaga, ‘di ba, for me age doesn’t matter. I mean, even Yilmaz (Bektas, ex-husband) was three years younger than me. So sa akin, age doens’t really matter whether your older or younger, it’s basically the maturity. If you enjoy doing the same things together, ahm… I guess on this day and age, hindi na importante na mas bata ‘yung girl, mas matanda ‘yung guy, or vice versa. For me like, if you’re in love, it doesn’t matter, kahit na anong religion kayo, kung anong edad kayo, basta nagmamahalan kayo. I think for me its flaterring that you know either women or man, if they admired me, it’s just goes to show na I’m taking care of myself, and walang problema kung may bagets na nagkakagusto sa akin, wala akong magagawa. ‘Di ba?”

Palasak na ngayon ang salitang cougar, na tumutukoy sa mga single na may edad nang babae na nakikipagrelasyon sa mas bata sa kanila. Okay lang kaya na matawag siyang ganu’n? “Hindi naman. Kasi ang mga ganyang ‘cougars’ or whatever, I guess it’s for 50 year-old people and above. I’m still on my 30’s. My God! You can call me na lang a puma or a lioness.”

Open din kaya siya sa May-December love affair? “Why, sino ba? Ano ba ‘to? Break na kami nu’ng ano… tatlong taon na ‘yung nakalipas, ah… tatlo… apat ba? It’s so tagal na, oh my gosh!”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING