Marian Rivera, gooodbye na sa pagkadalaga

Marian Rivera, gooodbye na sa pagkadalaga

Marian-RiveraKATATAPOS LANG ng Despedida de Soltera ni Marian Rivera na ginanap sa Sampaguita Gardens nu’ng kamakalawa ng gabi.

Alam ko, wala nang kasunod na bridal shower at huli na ‘yung Despedida de Soltera niya na dinaluhan siyempre ng mga malalapit niyang kaibigan at pamilya. Nandu’n din nga si Dingdong Dantes para sumuporta sa kanya.

Pero hahabol ngayong araw ang Belo Medical Group na magbigay ng parang send off part sa kanya.

Kung hindi lang nga nagsabi si Marian na si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown niya, baka si Dra. Vicki Belo pa ang mag-sponsor ng wedding gown niya na gagawin ni Michael Cinco.

Alam ko, may iba pang mga designer na gagawa ng gown niya, dahil magpapalit pa siya.

Hindi ko lang alam kung ilang palit siya. Pero bonggang-bongga ang wedding na ‘yan na tutuloy pa sa SM-MOA Arena ang reception.

Ang bongga-bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis