Marian Rivera, emotional ‘pag napag-uusapan ang pagtatapos ng serye

ADVERTISING

Marian Rivera, emotional ‘pag napag-uusapan ang pagtatapos ng serye

Marian Rivera, emotional ‘pag napag-uusapan ang pagtatapos ng seryeHANGGANG SA pagli-bing na lang kay Tyron Perez, may issue pa dahil marami ang naintriga bakit wala ang asawa nito na si Liv Espino.

Inilibing na nga si Tyron sa bayan nito sa Concepcion, Tarlac at marami ang nakipaglibing. Kapansin-pansin na wala roon ang asawa nitong si Liv, gayong dumating naman daw ito nu’ng huling lamay nito nu’ng Miyerkules ng gabi.

Ang nasagap na kuwento ng Startalk, nagkaroon daw ng konting gulo roon sa lamay, kung saan nagkainitan daw ang ilang kamag-anak ni Tyron sa ilang miyembro ng pamilya ni Liv.

Mismong ang ilang kamag-anak ni Tyron ang nagsabing meron ngang konting gulo pero hindi naman nila dinetalye kung ano talaga ang nangyari.

ADVERTISING

Nakausap ng Startalk si Liv at lumabas nga ito sa programa namin nu’ng kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Liv, marami raw silang pumunta sa burol at para makipaglibing kinabukasan. Pero nagkaroon daw ng konting disagreement sa ilang kamag-anak ni Tyron kaya nagpaalam na lang daw siya sa Mama ni Tyron na aalis na lang daw sila para sa safety ng mga kasama nito, dahil mainit na raw ang eksena roon sa burol.

“Ako na po’ng nagparaya, I talked po to the mother of Tyron, kay Mama Lucia. Sinabi ko po na mauna na po kami.

“Kasi po Tarlac is a town, hindi po namin lugar ‘yun and ‘yung mga tao po dun we’re not aware, hindi po namin sila kabisado wala po kaming kakilala,” maluha-luhang pahayag ni Liv nang nakapanayam ito ng Startalk.

Kaya masakit man daw sa kanya na nasa bahay lang siya habang inililibing ang kanyang asawa, tiniis na lang daw niya alang-alang sa katahimikan ng libing ni Tyron.

Nilinaw naman ni Liv na okay siya sa magulang ni Tyron at pati sa mga kapatid, kaya tuloy pa rin daw ang kanilang komunikasyon.

Nu’ng Biyernes ay pasiyam ni Tyron at si Liv na ang personal na nag-asikaso ng padasal sa kanilang ta-hanan sa Las Piñas.

Pinag-iisipan pa raw niya ang dumalaw sa puntod ng asawa, pero pinalalamig lang daw nito ang mga pangyayari.

 

DALAWANG LINGGO na lang at matatapos na ang Amaya ni Marian Rivera. Kapag napapag-usapan ang pagtatapos nito, emotional si Marian dahil talagang iba raw ang bonding nito sa mga co-stars niya.

Lahat daw silang mga artista sa epic-seryeng ‘yun, pati ang buong production staff, ay naka-close na nila kaya hinding-hindi raw niya makakalimutan itong Amaya. Ang dami raw niyang nabuong magagandang friendship kaya very memorable daw sa kanya itong Amaya.

Pagkatapos ng Amaya, mga ilang araw lang magpapahinga si Marian magsisimula na itong mag-taping ng My Beloved na pagtatambalan nila uli ni Dingdong Dantes.

In fairness, maganda ang plug ng My Beloved at parang ang ganda ng kuwento kaya excited ako sa bagong project nilang ito ni Dingdong.

Abangan natin ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING