Marian Rivera, effortless ang pagtataray sa serye!

ADVERTISING

Marian Rivera, effortless ang pagtataray sa serye!

Marian Rivera, effortless ang pagtataray sa serye!TAKANG-TAKA ANG emerging  young rapper na si Abra sa tsismis na nabuntis niya si Bea Binene.

ADVERTISING

“Nabalitaan ko nga po ‘yon, pero hindi ko po siya (BHea) kilala. Hindi ko po siya kilala. Hindi ko na pinansin (ang issue) kasi hindi naman po totoo, eh,” sabi ng fliptop rapper sa launch ng official sound track ng Juan dela Cruz, kung saan meron siyang isang kanta, ang Alab ng Puso.

Ni hindi pa nga na-meet ni Abra si Bea kaya naman he was surprised when he learned na na-link siya rito. Through a friend ay nalaman niya ang chismis sa kanila sa Twitter.

Da who is Abra? Well, he started in underground music who is known for his  hit single Gayuma. Naging popular din siya dahil sa kanyang pagsali sa fliptop competitions. He has since appeared in a lot of shows, like MYX,  Sarah G, Gandang Gabi Vice and Party Pilipinas.

ADVERTISING

Although Alab ng Puso is a commissioned work, he did not compromise with his music.

“Bale ano, sinabi po nila na parang gusto nila na may pagka-Pilipino, parang how anyone can be a superhero through your heart and soul. Doon ko po binase. Nilagyan ko rin ng sarili kong touch and feel na paano ko siya gagawing Pilipino and ‘yung tema na gusto nila and at the same time applicable siya sa kabataan, sa lahat ng Pilipino, sa akin po personally, kay Juan dela Cruz,” esplika niya.

 

PINAGTATAWANAN ANG kampo ni Marian Something nang mag-press release silang sold out ang first cover pictorial nito for a men’s magazine.

Nasulat na hindi pala posible ang ganoong senaryo. How can that happen naman daw. Ano ‘yon, may himala?

Maagang nag-celebrate ang kampo ni Marianita, pero palpak naman pala.

At ang say ng mga utaw sa acting niya sa kanyang soap ay ang husay-husay raw ni Marian Something sa mga eksenang nagtataray siya sa kanyang soap. Parang hindi raw ito umaarte. Effortless, kumbaga, ang kanyang acting, sanay na sanay sa mga ganoong eksena.

 

NAKAKALOKA NAMANG malaman na until now pala ay kinakati pa rin ang isang sexy actress sa ex-boyfriend niyang may pagkabayolente.

Visit pa rin daw ito nang visit sa condo ng actor para makipagtikiman. Parang hindi raw ito nagsasawa kahit na break na sila nang matagal nang panahon.

Ano kaya ang magic ng actor na ito kaya bumabalik ang young actress? Meron kaya siyang birtud sa bed?

 

DAANG MILYON kung bayaran ng TV 5 ang kanilang mga artista pero sa talents nila ay mukhang makunat sila.

Last Christmas ay super happy ang talents nang makitang nadoble ang kanilang fee sa kanilang ATM cards. Ang feeling nila ay masaya ang Pasko nila. Ganoon kasi ang nangyari last year.

Nadismaya ang more than a thousand talents nang malaman nilang hindi puwedeng i-withdraw ang perang sumobra raw sa kanilang sahod. Nag-text ang staff sa accounting and said na nagkamali sila sa pagpapasuweldo.

Puwede bang mangyari ‘yon? Ibig niyang sabihin nagkamali sila sa more than a thousand talents nila? Parang napaka-tonta namang paliwanag ang ganoon, ‘di ba?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING