Marian Rivera-Dingdong Dantes wedding, sobrang binabatikos

Marian Rivera-Dingdong Dantes wedding, sobrang binabatikos

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraSAKA ‘YUNG iba, nagre-react sa kasalang Dingdong Dantes-Marian Rivera, dahil masyado raw magarbo.

Huh?! Ano?!!

Again, I know that everybody’s entitled to his own opinion, pero utang na loob naman sa mga reaktor at reaktora riyan. Unang-una, hindi n’yo naman pera ang ginastos sa kasal at ni singkong duling, wala namang hiningi sa inyo ‘yung dalawa.

Kung milyon-milyon man ang ginastos nila diyan, eh pakialam ba ninyo? Bakit kailangan pang magsabi na sana ay idinoneyt na lang sa mga nasalanta ng bagyong Senyang.

Haaaaaa???!!!!!

Baket? Eh noon pa naman naka-schedule ang kasal mula pa nu’ng nag-propose si Dingdong kesa sa bagyong Senyang, ‘di ba?

Alam naman nating hindi naman puwedeng i-postpone ang bagyo para huwag nang sabayan ang kasal, pero nandiyan na ‘yan, eh.

For all we know, ang mag-asawang Dantes ay “lihim” ding nag-donate ng kanilang makakayanan sa mga nasalanta.

Nagkataon lang na gusto lang ipagsigawan at i-share sa buong mundo ang pinaka-memorable na bahagi ng kanilang buhay.

Kung ayaw ng mga bashers ‘yung gastusan ba ang gown ng P2-M ang bridal gown ni Marian o ang 7M worth ng cake at iba pang magagarbong setup eh ang tanong ko sa inyo, “Kayo ba, nakapag-donate sa biktima ng bagyong Senyang?”

Kung hindi pa, simulan n’yo, para may magawa kayong maganda sa buhay n’yo sa pagsisimula ng taon.

Nakakalokah rin kayo ng taon, eh, ‘no?

Na-highblood tuloy ako, hahahahhaa!

Oh My G!
by Ogie Diaz