Marian Rivera at Dingdong Dantes, simula na ng honeymoon

Marian Rivera at Dingdong Dantes, simula na ng honeymoon

Marian-Rivera-Dingdong-DantesMATAGAL-TAGAL DING wala tayong tsikahan, ha? Ang dami tuloy nating na-miss na mga malalaking kuwento sa showbiz.

Isa na nga rito ang nakaraang bonggang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Isa nga ako sa mga ninang du’n na doon ko nga napansin, parang mga close talaga sa kanila ang mga kinuhang ninong at ninang.

Ang isa pang bilib na bilib ako, naayos talaga nang mabuti ang lahat na mga detalye sa kasal.

Isipin mo sa Immaculate Conception Parish Church sa Cubao ginanap ang kasal na napakaraming tao, at naayos nila ang security at hindi siya magulo. Iyon ang isang public na kasal na naramdaman mo ang privacy. Kaya kudos talaga sa wedding coordinator nila na si Teena Barretto na sa tulong din ng mga napaka-organize na PPL team ni Perry Lansigan. Congratulations kina Dingdong at Marian, at pati ang nag-ayos ng kanilang kasal.

Ngayon ay pinag-uusapan ang magarbong kasalang iyun na talagang ginastusan nang husto.

Ang wedding gown ni Marian na worth 2 million pesos at ang cake na worth 7 million pesos daw.

Eh, ang alam ko regalo ‘yun ng Goldilocks kay Dingdong kaya hindi naman siguro binayaran lahat ni Dingdong ang ganu’n kalaking halaga.
Basta ang the best lahat ay binigay ni Dingdong para kay Marian.

Ngayon ay sa Boracay sila tumuloy para maka-bonding nila ang Papa ni Marian na galing Spain. Pero meron talaga silang honeymoon sa Europe na regalo sa kanila ni Dra. Vicki Belo.

Ang gusto nga ni Marian makabuo na sila agad at magkaroon na raw sila ng maraming anak.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis