Marian Rivera at Dingdong Dantes, all-set na ang kasal sa December

ADVERTISING

Marian Rivera at Dingdong Dantes, all-set na ang kasal sa December

Marian-Rivera-Dingdong-DantesMUKHANG ALL-SET na talaga ang wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30.

Kahapon ay nag-meet na sila sa mga kinuha nilang ninong at ninang.

Siyempre, ayokong pangunahan kung sino ang sa principal sponsors dahil hintayin daw ang official announcement.

Kaya hintayin n’yo na lang, dahil pinakiusapan akong huwag ko munang ilabas. Pero maayos ang arrangement nila at talagang personal na inaasikaso nilang dalawa.

ADVERTISING

Halos kumpleto na nila ang ibang entourage, kaya abangan n’yo na lang ang announcement nila.

Ang alam ko, darating ang ama ni Marian galing Spain, kaya handang-handa na sila at excited ang lahat.

Big event talaga ito sa December 30 na gaganapin nga sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao.

Sa gathering nila sa mga ninong at ninang kahapon, napansin naming may bandage ang kaliwang kamay ni Dingdong.

Naaksidente pala ito sa shooting ng Kubot: The Aswang Chronicles nu’ng kamakalawa ng gabi, at isinugod ito sa hospital.

Six stitches daw ang tahi sa kamay niya kaya naloka ang Mommy ni Dingdong nang nalaman niya roon sa gathering nila kahapon.

Pero lalong gumuwapo si Dingdong at gumanda rin lalo si Marian na siguro lalong naging blooming dahil sa nalalapit nilang kasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING