Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagbunga na ang pagmamahalan

ADVERTISING

Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagbunga na ang pagmamahalan

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraAYAN! INAMIN na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na dalawang buwang buntis na siya. Nagpa-interview sila kay Jessica Soho nu’ng kamakalawa lang at lumabas na nga sa GMA news kinagabihan.

ADVERTISING

Tuloy pa rin naman daw si Marian sa taping ng The Rich Man’s Daughter pero siyempre medyo hirap ‘yan, dahil naglilihi pa siya. Medyo hirap nga raw siya sa paglilihi dahil may morning sickness siya.

Si Dingdong ang madalas na pinaglilihian niya, kaya lagi raw niya itong kinukurot. Pero minsan daw ay nagki-crave daw siya ng kendi na White Rabbit at ‘yung mapuputing kendi.

Tiyak na cutie ang baby nila niyan. Kaya nga excited na sila sa pagdating ng kanilang first baby na tingin ko baby girl ‘yan, kasi lalong gumanda si Marian eh.

ADVERTISING

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng kuwento naming ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING