Marian Rivera at Dingdong Dantes, may paglalaan ang mga regalo ng mga ninong at ninang sa kasal

Marian Rivera at Dingdong Dantes, may paglalaan ang mga regalo ng mga ninong at ninang sa kasal

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraAYAW PA munang i-announce officially nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang tungkol sa regalo sa kanilang ng mga ninong, ninang at ilang sponsors nila sa kasal.

Pero nabanggit lang ni Marian sa presscon ng My Big Bossing na may paglalaanan daw ang mga regalong ibibigay sa kanila. Mas mabuting si Dingdong na lang daw ang mag-announce.

Tinanong naman ng Startalk si Dingdong tungkol diyan, sabi niya hintayin na lang daw ang ipamumudmod nilang imbitasyon dahil doon daw nakalagay lahat kung saan mapupunta ang ireregalo sa kanila.

Malaking event talaga itong nalalapit na kasal nina Dingdong at Marian sa December 30, kaya ewan ko lang kung gaano kagulo ito sa security.

Marami na kasi ang nagtatanong kung makakapanood sila sa kasal na ‘yun na gaganapin sa Immaculate Conception Parish Church sa Cubao.

Pati ang reception ay gagawin daw sa SM-MOA Arena kaya tiyak na bukas ‘yan sa mga fans na gustong sumaksi sa kanilang kasal.

Kaabang-abang ‘yan!

Alam ko, next week ay magli-leave na si Marian sa dance show niyang Marian at ‘yun na yata ang huling episode na iti-tape niya dahil magpu-focus na ito sa paghahanda sa nalalapit niyang kasal. Pero tuloy pa rin siya sa pagpu-promote ng pelikulang My Big Bossing nila ni Vic Sotto at Ryza Mae Dizon.

Si Dingdong naman ay magli-leave din daw sa trabaho niya sa showbiz, pero tuloy pa rin ang promo niya sa Kubot: The Aswang Chronicles na kalahok din sa Metro Manila Film Festival.

Magi-guest din daw si Dingdong sa dance show ni Marian para makapag-promote na rin ng pelikula niya.

Supportive naman silang dalawa sa filmfest entry nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis