Marian Rivera at Dingdong Dantes, ayaw tantanan ng bashers

Marian Rivera at Dingdong Dantes, ayaw tantanan ng bashers

Marian-Rivera-Dingdong-DantesKALOKA! AYAW pa ring tantanan ang bagong kasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng mga bashers nila.

Ewan ko kung ano ang rason at nanggagalaiti ang ilang mga tao sa dalawa gayong masaya lang naman nilang isine-share ang mga magagandang kaganapan sa kanilang pag-iisang dibdib at sa kanilang bagong buhay bilang mag-asawa.

Tama ang sabi ni Marian na gusto niyang i-share ang mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya para maging inspiration ng marami at hindi kainggitan.

Sa katunayan, sa mga IG photo postings nila ng mister na si Dong, inspiring ang honeymoon nila. Ang mga magagandang lugar na napuntahan nila, kung positibong tao ka, mai-inspire ka at sasabihin mo sa sarili mo, gusto mo ring marating ‘yong lugar na ‘yun na ipinost nina Dong at Yan.

Sa pagbabalik ng bagong mag-asawa from their almost 25 days na bakasyon sa Rome (Italy) at Spain; tila may tamad mode pa rin sila na bumalik muli sa trabaho.

Si Dong siguradong “pagod” dahil before their wedding last December 30, naging abala siya sa pagtatapos ng pelikula niyang Kubot para sa MMFF 2014.

Sinundan ng sunud-sunod na aktibidades before their wedding, laspag ang katawan at energy ng aktor.

Bago lumipad patungong Italy, nag-stop-over muna ang mag-asawa sa Boracay bago sila nagpakaligaya, nagpakasarap at nagpaka-“pagod”. Pero enjoy naman, ‘di ba, Dong at Yan?

Reyted K
By RK VillaCorta