Marian Rivera, ‘di raw dinidiktahan ang Siyete

ADVERTISING

Marian Rivera, ‘di raw dinidiktahan ang Siyete

Marian-RiveraPINABULAANAN NG kampo ni Marian Rivera ang kumalat na isyung sinabihan daw niya ang mga taga-GMA 7 na huwag tapusin agad ang Carmela.

Lumabas lang ‘yan na blind item sa isang blog at pinik-up naman ng ibang kolumnista na obvious namang irita sila kay Marian. Meron pa kasing kuwentong sinabi raw ni Marian na dapat mauna munang matapos ang Rhodora X bago ang Carmela.

Nag-react dito ang kampo ni Marian, sabi nga ng manager niyang si Rams David, wala naman daw power ang alaga niya na diktahan ang mga taga-GMA 7 kung ano ang unang tsugihin na programa. Sumusunod lang naman daw sila sa utos ng mga nasa itaas.

Hindi raw nila alam kung alin ang mauna o huling programa ang matsugi, dahil nagtatrabaho lang naman daw sila.

ADVERTISING

Ang pagkakaalam daw nila, hanggang May 23 na lang ang Carmela at pinag-uusapan na nga raw kung ano ang susunod na programang gagawin ng GMA Primetime Queen.

Siguro malinaw na ‘yan ano?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING