Marian Rivera, ‘di paa-under kay Dingdong Dantes

ADVERTISING

Marian Rivera, ‘di paa-under kay Dingdong Dantes

Marian-RiveraMUKHANG NANINIWALA itong Marian Rivera sa mga pamahiin. Napansin namin na all set na ang lahat at si Dingdong Dantes ang gagastos ng lahat, pero ang tanging nabili pa lamang daw niya ang kanyang isususot na sapatos. Kasabihan kasi nga na ang sapatos ay tinatapakan. Kaya ibig sabihin nito ay ayaw o hindi paa-under itong si Marian kay Dingdong.

Sa December 30 na nga ang kasalan at sa Immaculate Concepcion Church sa Cubao ito magaganap.

Masayang ibinalita rin ni Marian na ang dalawa sa best friends niya ang maid of honors na sina Ana Fileo at Roxanne Barcelo. At bestman naman ang kapatid ni Dingdong na si Angelo.

Dapat sana ay sa December 8 ang kasalan ng dalawa pero busy ang simbahan dahil nga araw ng Immaculate, kaya na-move ng December 30.

ADVERTISING

Tanging si Governor Vima Santos-Recto ang sigurado pa lamang na ninang.

 

HINDI LANG Philippine Movie Press Club ang magdaraos ng 6th Star Awards For Music sa darating September 14 sa Solaire Hotel and Casino.
May isang music awards din palang magaganap sa September 8 sa Fishermall sa Quezon Avenue corner Roosevelt. Ito ay ang Indie Music Awards.
Very familiar kami sa Fishermall dahil nga suki kami ng isang donut parlor doon. Feeling secured kami kami kapag nandoon kami sa venue at talagang comfortable dahil nga malamig ang Fishermall kumpara sa ibang mall.
Try n’yong pumunta para malaman ang totoo. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING