Marian Rivera, ‘di pa rin sigurado kay Dingdong Dantes hangga’t ‘di humaharap sa altar

ADVERTISING

Marian Rivera, ‘di pa rin sigurado kay Dingdong Dantes hangga’t ‘di humaharap sa altar

Marian-RiveraSUPER SAYA ni Marian Rivera sa birthday celebration niya na ginanap sa kanyang dance show na Marian na napapanood every Saturday sa GMA 7.

Una, dumating ang kanyang mga mahal sa buhay na bukod sa kanyang lola at mother ay nandoon din ang pamilya ni Dingdong Dantes at ito na rin ang pagkakataong hinintay ni Dingdong para mag-propose kay Marian. Yes, sa show ni Marian naganap ang marriage proposal ni Dingdong sa actress na siyempre tinanggap nito with matching kiss sa lips ni Dong.

Bago naganap ang marriage proposal ay may ipinakita si Dong kay Marian na iba’t ibang picture nilang dalawa na magkasama. Sa isang larawan, biglang umiyak si Marian at maging si Dong dahil ‘yun pala ang larawan na kung saan sila magkasama sa araw rin ng kaarawan ni Marian.

May magaganap sana roon na marriage proposal pero naudlot dahil gusto ni Dong na kumpleto ang pamilya ni Marian at pamilya niya na hindi nga nangyari. Sa birthday celebration nga ni Marian last Saturday sa kanyang dance show naganap ang marriage proposal dahil kumpleto ang kani-kanilang pamilya.

ADVERTISING

Dahil nga roon, nasabi ni Marian sa kanyang mga detractor na nagtagumpay siya sa hindi pagpatol sa mga ito dahil natupad ang matagal na niyang pangarap na hingin ni Dong ang kanyang blessing na sila ay magsama sa iisang bubong.

Well, sabi naman ng ayaw pa ring maniwala na magkakatuluyan sina Marian at Dong na hangga’t ‘di raw sila ikinakasal sa harap ng altar, hindi pa rin raw nakasisiguro si Marian na sila nga raw ni Dong ang magkakatuluyan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING