Marian Rivera, ‘di nakatutulong sa EB?

ADVERTISING

Marian Rivera, ‘di nakatutulong sa EB?

Marian RiveraMARIAN RIVERA’S inclusion sa longest-running show na Eat… Bulaga! did not help boost the show’s rating.

Hindi pala nakatulong ang pagsali niya sa Juan for All, All for Juan segment.

Madalas daw kasing natatalo ng It’s Showtime! ang Eat… Bulaga! sa rating, bagay na ikinaloloka ng mga taga-production. Siyempre nga naman, asang-asa sila na tataas ang rating nila dahil naroroon sa kanila si Marian pero hindi ito ang nangyayari.

Noong July 19 episode nga raw ay tabla sa rating ang Eat… Bulaga at It’s Showtime!, to think na may bonggang event ang EB, ang Super Sireyna Worldwide. Ang akala nila ay papalo na talaga sila sa rating pero hindi ito ang nangyari. Mas madalas na nga raw silang talunin ng show ni Vice Ganda.

ADVERTISING

Mula nga raw nang mapasama si Marian sa Eat… Bulaga! ay puro kamalasan na raw ang inaabot ng show. Hindi ito makalaban nang husto sa karibal nitong It’s Showtime! Parang may dala raw malas si Marian.

Ano kaya ang masasabi rito ng Primetime Queen? O ng kanyang alalay na si Rams Something.

One movie scribe-friend told us that this Rams Something was asking him kung sino raw kami. The nerve of this guy na ipagtanong kami, ha?

Ikaw ang sino, Rams? Gusto mo bang ipakilala kita kung sino ka talaga sa mga madlang pipol? I’ve heard stories about you, Rams and for sure, wala kang maririnig na bad stories about us except for us being mataray, straightforward and mapanglait!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING