Marian Rivera, ‘di matutuloy sa bagong serye?

Marian Rivera, ‘di matutuloy sa bagong serye?

Marian-RiveraHINDI NAMAN natuloy ang press conference ng The Rich Man’s Daughter kagabi.

Mukhang namumroblema nga ngayon ang production staff ng The Rich Man’s Daughter dahil nga sa pagdadalang-tao ni Marian.

Medyo mahirap siyempre kay Marian kasi nagsisimula pa lamang siyang maglihi. Kaya ang dinig ko, pinag-uusapan pa kung ano ang gagawin nila sa bagong drama series na ito ng GMA 7.

Hindi pa madesisyunan kung ano ang gagawin. Itutuloy pa ba nila si Marian o palitan na lang ito? Puwede ring i-shelve na muna at gawin na lang kapag puwede na ang GMA Primetime Queen.

Kaya pag-uusapan pa talaga ‘yan.

Ang unang concern talaga nina Marian at Dingdong ay ang pagkakaroon nila ng baby. Kaya pinag-iingat talaga si Marian.

Alam ko, ang TRMD lang talaga ang puwedeng gawin ni Marian, pero siyempre may cut off. Medyo maaga siyang i-pack-up dahil sa kalagayan niya.

Hindi na nga siya pinayagan ni Dingdong na mag-Regional o GMA Pinoy TV sa ibang bansa. Itong taping lang ang puwede, pero mukhang mahirap pa rin, lalo na kung naghahabol ka ng airing. Kaya pinag-uusapan pa talaga ‘yan. Abangan na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis