Marian Rivera, ‘di mapipigil pumunta sa Asian TV Award

ADVERTISING

Marian Rivera, ‘di mapipigil pumunta sa Asian TV Award

Marian-RiveraWHATEVER HAPPEN, walang makapipigil kay Marian Rivera na dumalo sa Asian TV Award sa Singapore, kung saan isa siya sa nominado sa pagka-Best Actress sa pagkakaganap sa Temptation of Wife.

Pero bago siya dumalo sa okasyon, nagawa pa muna niyang magkapag-taping ng kanyang bagong serye sa GMA 7, ang Carmela, Ang Pinakamagandang Babae sa Balat ng Mundo.

“Well, sabi ko nga, kahit ano pa ang mangyari ay dadalo ako ng awards night. Kasi sa totoo lang, ‘yung ma-recognize ka lang nila at mapansin ang naging pag-arte mo at ma-nominate ay isang malaking karangalan na.

“Kaya pupunta ako roon ng December 5, then lunch time, next day, December 6, nakabalik na ako,” pahayag ni Marian.

ADVERTISING

Ask kung nag-e-expect ba siyang mananalong Best Actress?

“Ay! Ayokong mag-expect. Kung manalo, salamat. Kung hindi naman, salamat pa rin, dahil tulad ng sinabi ko nga na ma-nominate pa lang ay isa nang malaking karangalan.”

Samantalang magiging leading men sina Alden Richard at Raymond Bagatsing sa bago niyang serye.

Sa istorya raw kasi, mali-link siya sa isang bata at may edad na lalaki pero mas sesentro ang istorya nilang mag-ina na gagampanan ni Agot Isidro.

 

SIMPLE PERO masayang Christmas party ang inihandog ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan na manager nina Dingdong Dantes, LJ Reyes, Jolina Magdangal, Max Collins, Angelika dela Cruz, Rochelle Pangilinan, atbp. para sa entertainment press kahit wala ang nakagawian na X-mas party na may pa-raffle.

Marian-RiveraLahat ay nag-enjoy kesehodang walang games at pa-raffle basta nandoon ang nakagawiang X-mas party na magkasama at nagkakatsikahan ang mga press at mga artistang alaga ni Perry sa pangunguna nga ni Dingdong na ‘di nakasama si Marian Rivera dahil may sakit.

Super seksi ni Rochelle na halos lumuwa ang malusog na boobs. Tinanong tuloy ang former Sex Bomb dancer kung nagpalaki ba siya ng boobs?

Kaagad na sagot ni Rochelle na kasama rin ang boyfriend na si Arthur Solinap na, “No! original po ito (sabay turo sa boobs na naghuhumiyaw sa laki na halos gusto nang kumawala sa suot na fit dress ng dancer/actress.)

Natawa pa si Rochelle sa naging reaksyon kasi ng press sa kanyang boobs. Magmula pa raw noong active pa ang grupo nilang Sex Bomb ay malaki na ang kanyang boobs.

“Bawal po sa aming mga dancers ang magpalaki ng boobs kasi delikado. ‘Di ba laging gumagalaw ang katawan namin habang sumasayaw? Kung magpaparetoke kami ng boobs, delikado baka magka-cancer pa kami dahil sa madalas na pagsasayaw,” pahayag ni Rochelle.

Anyway, going back sa X-mas party na handog ng PPL ni Perry Lansigan, ipinakita lang nito na hindi na kailangang mag-cancel ng party dahil sa nangyaring hindi inaasahang bagyong Yolanda na tumama sa mga kababayan natin sa Eastern Visayas.

Puwede namang mag-adjust ang lahat na puwede pa ring makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda kahit mag-celebrate ng X-mas party.

Tulad ng pa-Xmas party na handog nga ng grupo ni Dong sa mga entertainment press na bawat isa ay nagbigay ng tig-one hundred para maidagdag na gastos sa ipatatayong classroom ni Dong sa mga kabataang nawalan ng silid-aralan sa Tacloban at Visayas.

May katuturan ang party dahil naipaliwanag pa ni Dong sa mga press na kailangang magpagawa kahit isang silid-aralan para sa mga kabataan nawalan ng silid aralan dahil nasira ng bagyong Yolanda.

Natapos ang simple pero makahulugang X-mas party na masaya ang lahat na dumalo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING