Marian Rivera, ‘di ikinatuwa na kasama ni Dingdong Dantes si Carla Abellana sa serye

Marian Rivera, ‘di ikinatuwa na kasama ni Dingdong Dantes si Carla Abellana sa serye

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraNGAYON PA lang, marami na ang nasasabik makita at mapanood muli sa telebisyon si Dingdong Dantes pagkatapos na kanilang kasal ni Marian Rivera.

Post nga ng isang tagahanga ni Dingdong sa Instagram nito na nag-iimbita sa pagsisimula ng bagong soap ng actor sa GMA 7 na Pari Koy na magsisimula sa March 9, pagkatapos ng 24 Oras.

Gaganap na isang pari si Dingdong for the first time kaya nakasaad sa post, “Looking forward to hearing your homilies father Kokoy.”

We heard na si Carla Abellana ang lead female character sa serye na tila magkakaroon daw yata ng kaugnayan sa role ni Dingdong.

At totoo ba ang nakarating sa amin na tila ‘di raw natuwa si Marian na si Carla ang magiging kasama ng husband niyang sa serye?

Anyway ang Pari Koy ay ididirek ni Maryo J. delos Reyes at ngayon pa lang ay nakakasiguro na kami na maganda ang kalalabasan ng serye dahil minsan na rin kasing naging sakristan si Direk Maryo J.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo