Marian Rivera-Derek Ramsay movie, nangangamoy flop

ADVERTISING

Marian Rivera-Derek Ramsay movie, nangangamoy flop

Derek-Ramsay-Marian-RiveraISA PA sa nakatatakot na mag-flop na pelikula ay ang pagsasama nina Marian Rivera at Derek Ramsay. Sabi ay malakas daw ang tambalan ng dalawa pero malakas ang pakiramdam namin na hindi gaano ito magki-klik sa takilya.

Kung sa TV nga ay medyo humina na ang hatak ni Marian, paano pa ‘yung sa pelikula na kailangan magbayad ang gustong manood? Si Derek naman kaya raw kumikita ang pelikula nito ay dahil sa lakas ng hatak sa masa ng naging leading ladies niya na sina Anne Curtis at Cristine Reyes.

Well, sana ay nagkamali kami ng pakiramdam na hindi papatok sa takilya ang nakatakdang gagawing movie nina Marian at Derek.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING
ADVERTISING