Marian Rivera, dedma sa pag-ayaw sa kanya ni Vivian Velez

ECSTATIC si John ‘Universal Sweet’ Lapus sa pagsasabing inihahanda na ni Mother Lily Monteverde ang kanyang launching movie sa Regal Films next year. May dalawa pa nga lang daw siyang pelikulang gagawin sa nasabing kumpanya bago na siya ipaimbulog bilang isang bida. At ang isa pala sa naging pangako sa kanya ni Mother Lily eh, ‘yung siya ang lalabas sa mga gay roles sa mga darating na pelikula nito na kailangan nga ang isang gay.

Kaya ngayong nasa Super Inday and the Golden Bibe si Sweet, ang saya-saya nito dahil nasa title role din daw siya dahil siya ang gaganap sa role ng mahiwagang bibe na si Aiza Seguerra ang lumabas noong paslit pa ito sa remake ng pelikulang dating pinagbidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

“Ang kaibahan lang, ‘yung golden bibe noon na si Aiza, aminado na naman ngayon na tomboy siya. At ang golden bibe ngayon ni Marian (Rivera) eh, isa namang bading.

Kumbaga, ito ‘yung parang prequel sa mga naunang movies na may Super Inday… kasi rito parang mas ipinakita ‘yung kung paano at bakit binigyan ng powers si Super Inday.”

Kahit na sangkaterba na naman ang blessings na dumarating ngayon sa buhay ni Sweet, nananatili pa rin dito ang pagiging humble.

MASAYA SI MARIAN Rivera sa pagsasabing only Regal can do ‘yung pagsamahin ang mga artists ng GMA-7 at ABS-CBN. Dahil sa Super Inday and the Golden Bibe, kasama nila ni Sweet sina Pokwang at Jake Cuenca.

Ang ikinatutuwa ni Marian eh, ‘yung pagkakaroon nila ng ibang klase ng bonding na p’wede naman daw palang mangyari. Kaya, kahit off-cam, nakakita ng mga bagong kaibigan sa mga kasama niya ang dalaga.

Hindi naiwasang matanong si Marian tungkol sa mga naging opinyon ng original na Proserfina sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na si Vivian Velez, na nagpahayag na nakulangan siya sa akting ni Marian sa pag-remake nito sa telebisyon.

Ngumingiti lang si Marian. Sabi ng dalaga, hindi na raw niya palalakihin ang isyu at nirerespeto naman niya ang opinyon ni V.V. Ang mga taong nagmamahal naman daw sa kanya ang nagre-react sa naging opinyon nito. Pero, hindi raw ‘yun ikasasama ng loob niya. Dahil up to now, alam niyang siya pa rin si Proserfina sa ginampanan niya kung saan she did her best at nagustuhan naman ito ng mga manonood.

Nabanggit na rin ni Marian na hindi naglapat ang mga labi nila ni Jake sa nasabing pelikula na official entry ng Regal Films sa darating na Metro Manila Film Festival.

Bilin kaya ito sa kanya ni Dingdong Dantes?

Samantala, flattered lang lalo ang dalaga sa mga tinuturan ni Dingdong sa mga interbyu nito tungkol sa kanilang relasyon.

“Basta ang sa amin, ‘yung nakikita n’yo, ‘yun na. Ang importante, kaming dalawa!”

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleDingdong Dantes, Kuwestiyunable ang Best Drama Actor Trophy sa Star Awards for TV!
Next articleCarmina Villaroel, pumalag na sa paninira ni Shalala kay Zoren Legaspi!

No posts to display