Marian Rivera, dedma lang sa hulang malalaos na siya ngayong taon

ADVERTISING

Marian Rivera, dedma lang sa hulang malalaos na siya ngayong taon PAGTAASAN MAN NG kilay ng maraming komokontra sa kanya, magpapatuloy lang na dedma si Marian Rivera sa mga nang-iintriga sa kanya, lalo na kung nararamdaman niyang kaya lang naman siya tinitira ay dahil hindi siya gusto bilang tao at artista sa showbiz.

Para kay Marian ay mas okey na ‘yung ginagawa niyang magpakasipag siya sa kanyang trabaho, mag-taping at mag-shooting ng kanyang teleserye at mga pelikula. Sa ganu’ng pamamaraan, nakakalimutan niya ang mga intriga at lumilipas na lang iyon habang naghihintay ang mga kumokontra sa kanya kung maaapektuhan ba siya.

ADVERTISING

Dedma lang si Marian sa mga taong habang hayun daw at masaya ang relasyon nila ni Dingdong Dantes, parang ang laging inaabangan ay kung kailan sila magkakahiwalay. Ang tangi na lang daw ipinagpasalamat ng magandang aktres, si Dingdong ‘yung unang tao na malapit sa kanya, na hindi nagsasawang umunawa at ipagtanggol siya sa maraming pagdidiin sa isyung maldita siya, mayabang at maraming masasamang ugali.

Dedma rin si Marian sa hulang diumano’y sa kasalukuyang taon ay malalaos na siya sa kanyang kasikatan. Hindi na rin naman daw kasi bagong isyu para kay Marian, na sa tuwing bagong taon ay hinuhulaang malalaos na siya.  Dati na raw kasi ay hinulaan siya, na isang baguhang aktres ang sisikat at magpapalaos sa kanya. Pero hanggang ngayon ay reyna pa rin siya sa GMA-7. Ang alam daw ni Marian, marami pa siyang mga proyektong gagawin, kaya patuloy lang siyang magsisipag sa kanyang trabaho.

IPINAGKIKIBIT-BALIKAT NA LANG ni Heart Evangelista ang pagpuna ng ibang tao sa kanilang relasyon ni Daniel Matsunaga, na para raw siya pa ‘yung babae na nagpapahalata na sobra ang kanyang pagmamahal sa baguhang hunk actor ng GMA-7. Parang sobra raw kasi ang kilig factor na mababasa mo sa hitsura, kilos at mga pananalita ng Tsinitang aktres kapag nagkukuwento siya tungkol sa relasyon nila ni Daniel. Parang mas sobra pa raw ang tindi ng pagka-in love ngayon ni Heart, kumpara nu’ng sila pa ni Jericho Rosales ang magkarelasyon.

ADVERTISING

Depensa ni Heart, pareho lang naman daw sila ni Daniel, na sobra ang pagmamahal ngayon sa isa’t isa. Hindi raw maganda na pagkumparahin ang pagkakaiba ng pagmamahal sa kanya nina Echo at Daniel, dahil magkaibang panahon naman iyon. Pero ang maipagmamalaki lang daw niya, pareho naman sina Jericho at Daniel na kapag tinatanong tungkol sa kanilang relasyon, naroon sa kanilang mga salita ang sobrang pagmamahal sa kanya.

Pantay lang daw siguro, wika ni Heart kung gaano nila mahal na mahal ni Daniel ang isa’t isa sa kasalukuyan. Marami raw kasing nagpaparating sa kanya, na kapag hindi niya katabi si Daniel at siya na ang topic, puro raw magagandang salita ang ipinapatungkol sa kanya ni hunk actor. Kaya sana lang daw, huwag nang intrigahin ang kanilang pagmamahalan.

TALAGA NAMANG DAPAT pangaralan si Alfonso Martinez tungkol sa pagtu-tweet niya ng hindi magagandang salita tungkol kay Direk Wenn Deramas tungkol sa isyu ng pagkakapanalo niyang Best Director sa katatapos na Metro Manila Film Festival-Philippines dahil sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!) ng Star Cinema. Wala siyang karapatang manguwestiyon, dahil kuwestiyonable nga kung may nalalaman siya sa showbiz. Sinubukan nga niyang mag-artista, pero hindi naman siya sumikat kahit napakaguwapo niya. Maganda ang imahe ng kanyang mga magulang na sina Liezl at Albert Martinez sa showbiz, kaya bilang anak ay isaalang-alang niya iyon, huh!

Marian Rivera, dedma lang sa hulang malalaos na siya ngayong taon

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING