Marian Rivera, dedma lang kay Bela Padilla!

ADVERTISING

Marian Rivera, dedma lang kay Bela Padilla!Marian Rivera, dedma lang kay Bela Padilla!KAHIT PINAGPIPIYESTAHAN NG ibang istasyon ang isyu nina Marian Rivera at itong si Bela Padilla, dedma lang ang GMA-7 tungkol dito para hindi na lumaki. Siyempre, may Endless Love pa sila ngayon kaya baka makaapekto pa ito. Pero in fairness naman, tumaas ang rating ng Endless Love nang pinag-usapan na itong isyu ng dalawa.

Pero tahimik lang si Marian at nagbigay lang ng statement ang manager nitong si Popoy Caritativo na magsasalita sila sa tamang panahon at sa proper forum.

Kahit si Bela, hindi na rin nagsasalita. Pero galit na galit si Mommy Eva dahil hindi raw tamang ganu’nin ang apo niya. Pati ang manager nitong si Claire dela Fuente ay nagsalita na rin pero hindi na ito sinagot ng GMA-7.

Palagay ko naman aayusin ito ng GMA-7 na hindi na kailangang iparating pa sa press. Mabuti na ‘yung tahimik lang na maayos ito.

Siguro sobrang pagka-in love lang ito ni Marian kay Dingdong kaya nagkaroon ng gulo. Kaya tingin ko naman, maayos din iyan.

ADVERTISING

Pati si Dingdong, safe rin ang mga sagot niya at sinabi nga nitong dapat na pag-aralan nang mabuti at klinaro naman nitong kay Marian ang kanyang suporta. Kahit saan pa ito makarating, kay Marian daw ang suporta niya at wala nang iba.

Dahil sa patuloy pa rin itong pinag-uusapan, tumataas ngayon ang ratings ng Endless Love. Siguro curious sila kung nakikita ba nilang merong tensiyon kina Marian at Bela. Sana tuluy-tuloy na ‘yan.

NAKAKAAWA RIN ITONG magkasintahang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao dahil naging biktima sila ng pangit na isyung mukhang hindi na iyan makakalimutan, at mananatiling urban legend na lang.

Nagsimula lang naman ito sa blind item dito sa Pinoy Parazzi at kumalat na at napangalanan. Pati sa radyo ay pinag-uusapan pero walang sagot dito sina John Lloyd at Shaina.

Bakit nga naman nila papatulan ito? Sagutin man nila o hindi, talo pa rin sila, ‘di ba?

Pinabulaanan na ito ng Star Magic at walang pruweba, kaya mananatiling tsismis lang. Pero unfair pa rin sa dalawa dahil napag-uusapan na. Nandiyan na sa isip ng mga tao na maariing totoo o imposibleng mangyari ito.

Nakapagtataka lang kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung ito at kung anu-ano pa ang kuwentong naglalabasan.

Kuwento nga ng mga bakla, kahit daw mga kasamahan nila sa ASAP, ‘yun ang mga pinag-uusapan at parang ginagawa na nilang katatawanan.

Kawawa rin naman ang dalawa, naging biktima ng hindi magandang tsismis.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING