Marian Rivera, dapat nang pag- sabihan ang kanyang fans! – Tita Swarding

ADVERTISING

Marian Rivera, dapat nang pag- sabihan ang kanyang fans! - Tita SwardingMarian Rivera, dapat nang pag- sabihan ang kanyang fans! - Tita SwardingOLA CHIKKA! NALOKA ang aking ulirat nang may nagpadala ng message dito sa Pinoy Parazzi na tagahanga ni Marian Rivera, galing pa ng Baguio. But the content of her message is innuendo against me and Cristy Fermin, na intindihin daw namin ang kanyang nararamdaman bilang tagahanga.

Pero sa araw-araw ba namang nagsusulat ako rito, at halos binabasa ko araw-araw ang Pinoy Parazzi, wala akong natandaan na may isinulat akong hindi maganda sa idolo ng babaeng ito. At may halong pananakot pa.

ADVERTISING

Kung magdedemanda ka, talk to my lawyer, see you in court. Hindi ako natatakot sa ‘yo kung sino ka mang Poncio Pilato ka.

By the way, pakisabihan mo naman, Marian Rivera, ang mga tagahanga mo, kung may tagahanga ka man. Hinay-hinay sila dahil kung ganyan ang inaasal nila, naku, I’m sure, hija, apektado ka rin.

Never kong sinisiraan si Marian, lalo na rito sa column ko, at ni minsan ay hindi ako naninira ng tao, o kahit sino mang personalidad. Dahil lahat ng naisulat ko ay may basehan. Kaloka kayo!

ADVERTISING

NAIMBITAHAN AKO NG Juicy ng TV5 sa kanilang year-end special, kung saan marami kami ng kasamahan ko sa hanapbuhay. Hindi ko na iisa-isahin, ‘no?! Hahaha!

Enjoy naman ang beauty ko roon sa aming balitaktakan with IC Mendoza and Alex Gonzaga, na magaling talaga pagdating sa hosting.

Parang naglalaro lang kami ng ‘pick-a-name,’ kung saan may choices na pagpipilian na mga pangalan ng artista, at nandu’n nga ang pangalan ng hitad na si Marian Rivera. Kaya naipaliwanag ko nang maayos kahit sandali ang tungkol sa kanyang tanga-hanga! Naku, ha?! Kaya abangan ‘yan sa Juicy. Kalerke! Hahaha!

PASASALAMATAN KO LANG ang Gutierrez family na sina Ruffa, Richard, Tita Annabelle at Eddie Gutierrez, dahil hindi sila nakalimot sa akin. Kahit late akong dumating sa kanilang pa-Christmas party sa mga press, gumanda pa rin ako. Hahaha! Nandu’n ang buong pamilya. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING