Marian Rivera, dapat nang iwasan ang pagmamaldita

ADVERTISING

Marian Rivera, dapat nang iwasan ang pagmamaldita

Marian Rivera, dapat nang iwasan ang pagmamalditaMARAMI NAMAN talagang nagmamahal kay Marian Rivera, dahil napatunayan niya ang katotohanang iyan nitong magtapos na ang kanyang kontrata sa GMA-7. Ang dami-daming taga-showbiz ang nagpaparating kay Marian na kung magdedesisyon siya na lumipat sa ibang network, baka madiskarel lang ang kanyang career at sumadsad talaga paibaba ang kanyang popularity kung magkakamali siya ng desisyon.

ADVERTISING

Ngayon naramdaman ni Marian ang pagmamahal ng ibang tao, na noon ay hindi nagpaparamdam sa kanya, dahil siyempre nga, mahiwaga ang kanyang dating talent manager na si Popoy Caritativo, at ang pagkainis ng maraming taga-showbiz sa kawalan ng PR ni Caritativo ay naging dahilan din para isnabin na lang nila si Marian dati bilang protesta kay Caritativo. Ngayong Kapuso star pa rin si Marian, marami ang natuwa at nag-aabang kung paano muling uusad ang kanyang career labas sa pangangalaga ng dati niyang talent manager.

Dalawang bagay raw ang dapat na mangyari sa career ni Marian ngayong nagkaroon na ng bagong desisyon sa kanyang pag-aartista. Una, dapat ay tuluyan nang mabura sa kanyang image ‘yung dati niyang pagmamaldita. Pangalawa, paghusayan pa niya ang acting niya, dahil kung kasikatan ang pag-uusapan, sikat na sikat pa rin siya hanggang ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING