Marian Rivera, atat na atat makapareha si Coco Martin?!

ADVERTISING

Marian Rivera, atat na atat makapareha si Coco Martin?!
Marian Rivera, atat na atat makapareha si Coco Martin?!

KUNG BREAK na talaga sina Cristine Reyes at Rayver Cruz ay baka magpa-party ang isang kilala namin.

Kasi, hindi raw totoong hiwalay na ang dalawa. Very much on pa rin kasi ang couple ayon sa somebody who is close to the dancer-actor. He told us that there was no truth to the rumor na hiwalay na nga ang dalawa.

May nasulat kasi lately na hiwalay na ang dalawa and that they’re just pretending na magdyowa pa all because they have a forthcoming soap na gagawin kasama si Gerald Anderson.

Our friend is so surprised at how the rumor could have surfaced when there’s really no hiwalayan daw talaga.

ADVERTISING

 

COULD IT be true na there’s a billing problem sa stars ng Sisterakas na sina Vice Ganda, Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino?

May chika kasing kumakalat na meron daw dapat mauna sa billing at merong dapat nasa huli pero hindi ito nangyari.

We had not seen the poster of the movie so we can’t say kung sino ang naunang name sa tatlo pero ang chika ay nauuna raw ang name ni Kris followed by Ai-Ai at si Vice daw ang nasa huli.

If seniority is the basis of the billing, then si Ai-Ai ang dapat mauna sa billing, followed by Kris and then Vice.

But if dadaanin sa pasikatan, we feel na dapat mauna ang name ni Vice followed by Kris and then Ai-Ai.

But one thing is sure, though. Tiyak na kikita ang Sisterakas dahil nakakatawa talaga ang trailer nito.

 

Marian Rivera, atat na atat makapareha si Coco Martin?!TIYAK NA magugulat ang fans ni Coco Martin sa sinabi ni Marian Rivera sa kanyang latest interview na baka matuloy na ang movie na pagsasamahan nilang dalawa.

Helllooooooooooo! Ang dami kayang ayaw kay Marian para ipareha kay Coco. Tiyak na aani na naman ng batikos itong si Marian kapag natuloy ang project.

With this ay parang  atat na atat itong si Marian na makapareha si Coco. Ang dating kasi ay parang siya pa ang gustung-gusto na matuloy ang naturang proyekto.

Let’s see how the fans of Coco will take this item.

We’re pretty sure na manlalait na naman sa amin ang mga Marianita at sasabihing sinisiraan namin ang kanilang idolo.

Nakakatawa itong mga fans ni Marian. Kapag may batikos sa kanilang idol ay puro pamba-bash ang iginaganti nila sa writer. Ang akala nila siguro ay lahat ng writers ay nababayaran. Well, kung gusto ninyo na puro positive write-ups ang mabasa ninyo sa idol n’yo ay magtayo na lang kayo ng sarili n’yong publication.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING