Marian Rivera bullies Manny Pacquiao?!

 

Marian Rivera bullies Manny Pacquiao?!

Marian Rivera bullies Manny Pacquiao?!OLA CHIKKA, NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Mapapa-No o mapapa-Yes ka kaya sa mga chikka na isi-share ko sa inyo?

Nakakawindang naman kasi talaga ang mga eksena nitong si Marian Rivera na masasabi mo bang may pinag-aralan ba talaga? O biruan lang? Sa isang show kasi, makikita mong talagang close sina Marian at Manny Pacquiao. Tinakpan ni Marian ang mga mata ni Manny at nagpahula siya kung sino ang nagti-trip kay Manny. Hindi talaga mahulaan ni Manny kung sino kaya sumuko na ito. Humalakhak si Marian sabay batok kay Manny!

Ano ang mase-say mo rito? Dapat ba talagang ga-nito ang mga eksena na ipinapakita ng aktres? Alam naman ni Marian na karespe-respeto itong si Manny at iniidolo ng buong mundo. Dapat bang gawin ni Marian ‘yun sa harap ng maraming tao?

Hay, naku naman, ‘te! Kasi naman, u-mayos ka naman minsan sa mga ikinikilos mo. Alam mo naman kung ano ang tama at ang mali. ‘Yun na!

 

AT HETO PA! Talagang maloloka ka talaga sa Earth dahil talagang jackpot daw itong si Angelica Panganiban kay Derek Ramsay. At masasabi kong hindi talaga sila bagay. Hahaha! Tutol daw ako, dahil mas bagay kami ni Papa Derek!

‘Eto na nga ang chikka na masasabi mong jackpot itong si Angelica dahil nga sa mga bali-balitang lima ang luxury cars nito, at in fairness, may biniling condo sa South worth P30-M! Ang taray naman! Para ba sa kanila ni Angelica ‘yun? Hmmm…

Ano ba naman kasi ito? Itong si Papa Derek edukado, at masasabi mong hindi talaga sila bagay. Kasi naman, wala namang pinag-aralan si Angelica. Pa’no na kaya ‘pag nawalan siya ng career? Ano na  kaya ang magi-ging buhay nitong merlat na ito? Kakapit na lang siya kay Papa Derek?

Kaya hindi mo maiiwasan na kung sinu-sino ang nali-link kay Derek dahil sa sobrang papable niya at sobrang bigtime. Ano ang sey mo? Oh, no or oh, yes? Hahaha!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong aktres na ito na talaga namang napaka-angelic ng face at ng beauty sa TV na akala mo kung sinong mabait? Oooppps! May attitude problem pala ito, dahil heto na nga ang chikka sa atin ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Nagkaroon nga ng tour itong aktres na ito kasama ang iba pang talents ng kinabibilangan niyang network, at may picture-taking kasi ang mga artista du’n. Ang merlat na ito, super deadma lang, at habang nagpapa-picture, nagbabasa ng magazine!

Hmmp! Ano ba ‘yun… hindi talaga tumingin sa camera? Nakakaloka naman talaga! Attitude problem talaga ‘yan. Sa bagay, mukha namang walang pinag-aralan ang babaeng ‘yan. Hahaha! ‘Yun na!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding