Marian Rivera, binastos ng mga fans ni Nora Aunor?!

ADVERTISING

Marian Rivera, binastos ng mga fans ni Nora Aunor?!Marian Rivera, binastos ng mga fans ni Nora Aunor?!ANG CUTE ng tawagan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado. Sino si Potpot? Sino si Baba? Cute ng “lovers” code name ng dalawa.

Si Potpot, si Daniel at si Baba naman si Kathryn. I just wonder kung ang tawag ni Potpot kay Baba ay hango sa “Babaeng may Bangs”?

Kaya nga inaasahan na sa pagpapalabas ng pelikula ng dalawa next week, March 13, ang Must Be… Love ng Star Cinema, malamang sa hindi, may lilikhain na namang super love team sa tambalan ng dalawa.

Ang alam ko, super hit si Daniel sa kanyang mga fans. Lalo na siguro kung ang dalawa (Potpot at Baba) ay magsasama.

One time, saksi kami kung gaano kalakas ang dalawa kaya naman hindi namin trip kapag may mga kahalong mga tagahanga ang dalawa kapag dumadalo kami sa mga pagtitipon at wala kaming maririnig mula sa dalawa dahil puro hiyawan at tilian ang maririnig mo.

ADVERTISING

 

Marian Rivera, binastos ng mga fans ni Nora Aunor?!PASAWAY TALAGA ang mga Noranian. Last Friday. Nang manalo si Marian Rivera over Nora Aunor sa nakaraang Golden Screen Awards for Television last Friday sa Teatrino, hayun at habang tinatangap ni Marian ang kanyang award, sabay-sabay nagtayuan ang mga “bastos at walang modo” na mga taga-hanga ni Nora.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagle-level up ang mga Noranian kung gaano sila kabastos at walang pinag-aralan. Ginawa na rin nila ito sa nakaraang Star Awards for Television na habang nagsasalita at nagpapasalamat ang isang awardee at dumating si Nora, naghiyawan sila at nagkagulo na parang pinaparamdam lang kung ano ang kanilang uri at pinagmulan.

Kaibigan namin ang isa sa mga namumuno ng NOW na samahan ng mga Noranian worldwide na si Vonnel Mirandilla. Dapat mapagsabihan niya ang mga Noranian.

 

SA SUNDAY, March 10 itatanghal ang Star Awards for Movies sa AFP Theater. Maglalaban as Best Actress ang oldies like Nora Aunor, Vilma Santos, Gina Alajar versus mga mas batang ‘di hamak tulad nina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Angel Locsin and Bea Alonzo.

Pero sa ganang akin, walang bago sa acting ni Nora at Vilma (pareho kong napanood ang Thy Womb at The Healing. Pero bet ko si Bea, Angelica at Angel na manalo.

For a change, kung p’wede nga lang pagbasehan at nakasasawa na si Ate Vi at si La Aunor, kung pwede lang, bigyan na ng award na ‘Enough’ para tumigil na’t paulit-ulit na lang na walang pagbabago, kung p’wede nga lang.

I know magiging mainit ang labanan sa Sunday. Noranians versus Vilmanians. Sino ang pikon? Sino magiging bastos?

Malamang, alam ko na ang sagot. Bet?

 

NEW LOVE ng girl at bekis itong Half-Peruvian-Half American na si Sebastian Castro.

Sumikat si Seb (palayaw niya) sa kanyang sexy music video na Bubbles that deals with losing his virginity. Cutie si Seb.

At the age of 14, he knew he was gay. Itinago muna niya at recently, after having three releationships (now on his 3rd with a Pinoy) he opened up recently.

Yea! He is one of us and proud kami sa pag-amin niya.

We love his openness at pagiging true to himself.

Watch out for Seb in the near future sa mga local project. He is managed by Dennis Sebastian who is a filmmaker.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING