Marian Rivera: Ayoko ng quickie, gusto ko matagalan!

ADVERTISING

Marian Rivera: Ayoko ng quickie, gusto ko matagalan!

1 Marian-RiveraONE SEASON lang ang pinirmahang kontrata ni Marian Rivera para sa kanyang bagong dance show na Marian na mapapanood simula sa June 21 sa GMA 7.

Sa bagong programa, ipamamalas ni Marian ang kahusayan sa pagsayaw. Sabi nga niya, bata pa lang, talagang mahilig na siyang sumayaw at nasa lahi raw nila talaga. Maging ang nanay nga raw niya ay magaling sumayaw and if there’s one person na gusto niya ring mai-guest sa show, ito ang kanyang ina. Problema lang daw ay mahiyain ang kanyang mother.

May say kasi si Marian kung sino ang gusto niyang makasama at maging guest sa show. Aside kasi sa pagtutok niya ng iba’t ibang sayaw ay siya rin ang nagsa-suggest kung sino ang gusto niyang maging guest.

Ask tuloy siya ng press kung sakaling mag-guest ang isang Kapuso talent na sikat din at kasing seksi rin niya at marunong din namang sumayaw ay papayag ba siya? Ang kaagad na sagot ni Marian, “Next question please.”

ADVERTISING

Kahit hindi na tinuran ang pangalan ng Kapuso actress na ayaw makasama at maging guest ni Yan Yan, obvious na kilalang-kilala ng press ang actress, si Heart Evangelista, wala nang iba pa. So, hanggang ngayon ay ‘di pa rin pala magkasundo ang dalawang sikat na actress.

Pero sure raw na magiging guest niya sa isa sa episode ng show ay ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Sa pilot episode ng show, guest niya sina Governor Vilma Santos at Maricel Soriano.

Kung si Ate Vi ay trademark ang lifting sa pagsasayaw at si Alma Moreno naman ay ang pagsusuot ng tanga, ano naman ang sa kanya?

“Ako, kumbaga sa camera, 360, ganoon ang gagawin ko. Lahat – hip-hop, sexy, tina-tumbling, hinahagis. Gumigiling din ako. Kahit sa costumes, wala po akong limitasyon,” say ni Marian na sobrang seksi ngayon.

Bago nakaalis si Marian, naitanong sa kanya kung magkikita ba sila ni Dingdong sa Tate, dahil papunta rin kasi ang boyfriend niya sa USA kung saan magkakaroon din si Marian ng show kasama sina Allan K at iba pang Kapuso talents para sa celebration ng Araw ng Kalayaan.

“Opo, magkikita po kami. Pero hindi ko na po sasabihin kung saan? Sa amin na lang po,” natatawang say pa ni Marian.

So, quickie ang pagkikita nila ni Dingdong sa Tate?

“Ay! Ayoko ng quickie! Gusto ko matagalan,” pagtatapos ni Marian.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING