Marian Rivera, ayaw nang patulan si Heart Evangelista

ADVERTISING

Marian Rivera, ayaw nang patulan si Heart Evangelista

Marian-RiveraAYAW NA raw patulan ni Marian Rivera ang mga patutsada ni Heart Evangelista. Happy and positive lang ang pananaw niya sa buhay ngayon lalo pa’t maraming blessings ang dumarating sa kanya.

“Happy talaga ako ngayon sa buhay ko. Hindi lang ako happy sa boyfriend ko kundi maganda pa ang relationship ko sa parents ko.”

That’s what Marian recently said, something which is viewed as a scathing retort to Heart’s recent pagpapatutsada.

Having said that, parang pinatamaan niya si Heart who is at war with her mom. Matagal nang hindi maganda ang relasyon ng dyowa ni senator Chiz Escudero sa kanyang ina.

ADVERTISING

“Ang ganda ng pasok ng taon sa ‘kin with so many projects, endorsements, so I just want to remain positive. Ayoko ng pumatol sa ganyan.”

What? Ayaw patulan? Eh, klaro na nga na pinatulan mo si Heart, ‘di ba?

Meron pang isang maka-Marian na inactive writer who called Heart as “forever starlet”. If being a “forever starlet” means having many commercials and endorsements, then Heart should be very grateful for the tag.

Merong bagong issue kay Marian, as reported by Fashion Pulis recently.

Although it was written in blind item, parang sakto sa description ang kuwento tungkol sa isang “ballistic actress” na nagreklamo sa management ng isang “exclusive destination” nang mapansin niyang kinukunan ng photo ang kanyang dyowa habang naka-trunks.

Inireklamo ng aktres ang staff dahil palihim daw na kinukunan ng photo ang kanyang dyowa. Ang claim pa niya diumano ay nai-invade ang privacy nila bilang vacationing couple.

Just recently, sina Marian at Dingdong Dantes ay nagbakasyon sa isang exclusive destination kaya ang feeling namin ay sila ang pinatutungkulan ng blind item.

Anyway, free naman si Marian na sumagot sa bagong intrigang ito. We welcome your reaction here, Marian.

To the fans of Marian who will think na sinisiraan na naman namin ang idol nila, think whatever you want. Hindi kami nag-iimbento ng kuwento, ‘no? Bash us, show us what you’re made of.

Marian, it cannot be denied, is a magnet for intrigue. It’s what makes her INTERESTING. All she does – whether promoting her newfound advocacies or getting tangled in controversies – make for an interesting piece.

She continues to be RELEVANT and that should MATTER. Clearly, her fans might not have REALIZED that.

To the fans na nagsasabing hindi kami dapat irespeto, isaksak n’yo sa baga ang respeto ninyo at baka mabusog pa kayo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING