Marian Rivera, ayaw nang mapasali sa sexiest women ng men’s mag

Marian Rivera, ayaw nang mapasali sa sexiest women ng men’s mag

Marian-RiveraANG GANDA-GANDA nga ni Marian Rivera nang humarap ito sa press conference ng PEP List kahapon.

Medyo maliit pa ang tiyan niya. Pero sabi sa amin, next week pa raw siya magpapa-check up ulit at baka roon na raw niya malalaman kung boy o girl ang magiging baby nila ni Dingdong Dantes.

Pagkatapos niyang magpa-interview sa PEP, tumuloy naman siya sa presscon ng bagong endorsement niyang Mario D’ Boro na sapatos na dating ini-endorse naman ni Dingdong Dantes.

Ngayon ay pang-ladies shoes ang ini-endorse ni Marian, at natutuwa siya dahil gustung-gusto pala niyang mag-design ng mga sapatos. Kaya kapag free siya, gawa lang siya nang gawa ng design na kinuha naman ng Mario D’ Boro dahil nagandahan sila sa mga design ni Marian.

Anyway, sa ngayon daw ay masaya na raw siya na walang pressure, at mas maraming time daw siya sa pag-aalaga sa kanyang asawa.

Pero bilib na bilib daw siya kay Dingdong, kung paano ang pag-aalaga sa kanya. Wala raw talaga siyang masasabi sa sobrang alaga sa kanya ni Dingdong.

Kung sakaling malalaman na raw niya kung ano ang baby nila, hindi raw muna niya sasabihin sa lahat. Ang gusto niya sa baby shower na raw niya sasabihin kung ano ang magiging baby nila.

Siyempe, kulit-kulitin ko siya kung ano ito. Hindi ko na hihintayin ang baby shower niya, ‘no!

Napag-usapan din pala sa PEP List presscon ang pagiging Sexiest Woman ni Marian na survey ng FHM.

Sabi naman ni Marian, nakahihiya naman daw na sa kalagayan niya, rumarampa pa siya sa FHM Sexiest. Kaya huwag na raw sana siyang isali. Ibigay na lang daw sa iba. Ang isa sa type na type niyang mangunguna siyempre ang kapatid niya sa APT Films na si Andrea Torres.

Susuportahan daw niya si Andrea riyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis