Marian Rivera, ayaw maging pulitiko si Dingdong Dantes

Marian Rivera, ayaw maging pulitiko si Dingdong Dantes

Marian-Rivera-Dingdong-DantesTULUY-TULOY NA ang taping ng The Rich Man’s Daughter ni Marian Rivera, ha?!

Nu’ng kamakalawa nga ay nagkaroon ng pictorial at plug shoot nila, at ang ganda ganda du’n ni Marian, ha?!

Kaya lang, tomboyan ang kuwento nito kaya aabangan ito ng grupo ng mga lesbians na malamang pinagnanasaan nila nang husto si Marian.

Sabi naman ni Marian, hindi raw ito tungkol sa kuwento ng isang tomboy, kundi ang isang uri raw ng pagmamahalan na kakaiba ang tingin ng iba.

Ang isa pang interesting na kuwento sa bagong drama series ni Marian ay ang kuwento ng isang Chinese family na malamang marami ang makare-relate.

Anyway, nakausap ng Startalk si Marian doon sa pictorial at plug shoot nila, masaya ang kuwento niya tungkol sa magandang samahan nila ni Dingdong Dantes.

Lalong naging malambing daw ang kanyang asawa at naging protective pa raw ito sa kanya. Kaya naman, sinusulit din naman ni Marian ang pag-alaga sa kanyang asawa.

Isa sa napag-usapan ay ang napabalitang pagpasok daw ni Dingdong sa pulitika.

Naglabas na ng statement ang GMA Primetime King na hindi raw siya tatakbo sa darating na eleksyon.

Agree din naman doon si Marian dahil nakatutulong naman daw si Dingdong kahit wala itong posisyon sa public office.

Gaya ng kanyang Yes Pinoy Foundation at ang pagiging Commissioner at Large ng National Youth Commission, nakatutulong naman daw ito sa mga kababayan natin.

Suportado naman ito ni Marian at willing daw siyang tumulong, pero parang ayaw nga niyang maging pulitiko ang dyowa niya.

Pero malay natin, marami pang mangyayari bago ang 2016 elections kaya abangan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis