Marian Rivera, atat nang magka-baby kay Dingdong Dantes

ADVERTISING

Marian Rivera, atat nang magka-baby kay Dingdong Dantes

Marian-RiveraKULANG-KULANG PA ang mga detalyeng sinabi nina Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa nalalapit nilang kasal sa Dec. 30 sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Wala pa silang kompletong line-up ng mga ninong at abay. Ang confirm pa lang so far ay si Batangas Gov. Vilma Santos. Si Pangulo Noynoy Aquino ay hindi pa nakakausap ni Dong. Pero sigurado kaming papayag si PNoy dahil natulungan naman siya ng aktor during his campaign for presidency.

Nakakatuwa naman na kahit dinedma ni Popoy Caritativo si Marian sa Cinemalaya event ay imbitado pa rin siya sa kasal ng aktres.

“Mahal ko siya at malaki ang nagawa niya sa akin kaya gusto ko na nando’n siya,” emosyonal na pahayag ni Marian.

ADVERTISING

Nilinaw naman ni Marian na hindi pa siya buntis ngayon. Ang bagay na ito nga raw ang gusto niyang madaliin.

“Gusto ko na talagang magka-baby. Super excited na ako,” sey pa niya.

After the wedding, wala munang balak huminto sa showbiz ang mag-asawa na parehong may entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa December.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING