Marian Rivera at Rhea Tan ng Beautederm Corp. malalim ang pinagsamahan!

Leo Bukas

ISANG engrandeng pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinadaos ng Beautéderm Home sa pag- marka nito ng isang bagong milestone sa pag-commemorate nito ng pormal na renewal ni Marian Rivera-Dantes bilang opisyal na brand ambassador nito for another 30 months!

Marian Rivera at Rhea Tan ng Beautederm Corp. malalim ang pinagsamahan!
Rhea Tan and Marian Rivera

Ang makasaysayang pagsasanib puwersa sa pagitan ng Beautéderm Home at ni Marian ay ginanap noong 2018 nang inilunsad ng brand ang Reverie – na isang exquisite line ng mga home scents unang kinabibilangan ng mga soy candles at air purifiers at pati na rin ng mga room at linen sprays.

Ang Reverie ay play of words sa pagitan ng pangalan ni Rhea Anicoche-Tan o Rei – na Presidente at CEO ng

Beautéderm; ng pangalan ni Marian nung siya ay dalaga pa; at ang konsepto ng gusting ipadama ng brandsa mga users nito – ang ma-relaks habang tinatamasa ang kakaiba at matatamis na mga amoy ng pag-ibig na dulot ng Beautéderm Home.

Ang unang mga produkto sa ilalim ng Reverie line ng Beautéderm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) – na lahat ay nilikha mula sa formulation hanggang sa individual packaging sa malapit na pakikipag-ugnayan kay Marian. Nuong 2021, pinakilala ng line ang dalawa pang additional scents – ang Matcha To Love at Take Me Away.

Level-up ang Beautéderm Home ngayong taon sa pag-introduce nito sa mga brand-new at essential na mga produkto sa ilalim ng Reverie line na di lamang magpapabango sa bawat tahanan ngunit poprotektahan din ang mga ito mula sa mga germs, bacteria, at viruses.

Ang una sa mga bagong produkto ay ang Pour Tout Faire – na isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors; upang instant na ma-disinfect ang mga surfaces dahil pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact; at upang ma-protektahan ang bawat miyembro ng pamilya.

May dalawang variants ito – ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm. Ideal ang Pour Tout Faire sa pag-sanitize ng hangin; para sa mga linens at lahat ng surfaces; at maaari din itong i-spray sa balat ng tao at sa mga damit at 100% na ligtas din ito para sa mga bata at pets.

At bilang special treat sa partnership renewal ng Beautéderm Home at ni Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set kung saan may tatlong bagong scents na kinabibilangan ng Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, at Tempting Pear and Melon.

Marian Rivera at Rhea Tan ng Beautederm Corp. malalim ang pinagsamahan!
Marian Rivera

“Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa Beautéderm Home at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko,” sabi ni Marian. “We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.”

Ayon naman kay Rhea Anicoche-Tan, malalim na ang samahan nila ni Marian at talagang pinapahalagahan niya ito.

“Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future,” sabi ni Rhea.

“Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinaka-propesyunal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya,” dagdag pa niya.

Previous articleLOLO NA SI YORME ISKO! Joaquin Domagoso nakabuntis, 2 buwan na ang baby boy sa GF
Next article5 Things to Do in Bangkok, Thailand