Marian Rivera at Maja Salvador, nabastos sa Cebu?

ADVERTISING

Marian Rivera at Maja Salvador, nabastos sa Cebu?

Maja-Salvador-Marian-Rivera Maja-Salvador-Marian-RiveraNABASTOS DAW sa Cebu sina Marian Something at Maja Salvador. The two were there last weekend to join the Sinulog festival. At the same time, para na rin mai-promote nila ang kanilang teleserye na malapit nang mag-ere.

Apparently, hindi feel ng mga Cebuano si Maja kaya nila ito binoo. Talagang super daw ang pambo-boo kay Maja while she was on stage. Ang paliwanag ng marami sa social media, hindi type ng mga taga-Cebu si Maja dahil sa ginawa nito kay Kim Chiu na isang Cebuana. Alam naman nating lahat na war pa rin ang dalawa because of Gerald Anderson.

Actually, walang foresight ang nagpadala kay Maja sa Cebu. Hindi ba nila naisip na balwarte ni Kim ang lugar kaya hindi welcome si Maja roon? Isip-isip din kapag may time.

Ganoon din daw ang masaklap na nangyari kay Marian, na-boo rin siya. Apparently, hindi pa rin feel ng mga taga-Cebu si Marianita.

ADVERTISING

Actually, napansin naming medyo umeksena ang red blouse ni Marianing doon sa parade ng Sto. Niño. Kasi naman, labas ang kanyang navel when she danced sa street along with Alden Richards.

Sana’y mas mahabang blouse ang sinuot ng hitad nang hindi lumabas ang kanyang pusod. Ang feeling tuloy namin ay hanggang sa parade ay gusto niyang umeksena.

Bakit hindi niya gayahin ang mga stars ng Dos na simpleng red T-shirt lamang ang suot. Talaga bang gusto niyang talbugan ang lahat?

Anyway, sagutin kaya ni Marianita ang Instagram post ni Carla Abellan using her @carlaangeline account? Nag-post kasi si Carla ng picture ng lola niyang si Delia Razon with this caption: “”Para sakin, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Wala kayo sa lola ko.”

Ito kasing GMA masyadong trying very hard na i-promote si Marian bilang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, eh, mas marami naming mas maganda pa sa kanya, ‘no! Ilusyonada!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING